18..Di tinadhana

2.4K 44 2
                                    

Marcus Conrad

Umalis ako sa hospital at tuluyang nagpakalunod sa alak.Hindi ko matanggap na ganito ang nangyari sa aming dalawa ni Jade.I know this is not what Damon wants.

The doctor told me that it is ectopic pregnancy.Hindi pa rin naman mabubuhay si baby.Pero ang sakit sakit na kahit tanggapin ko.Hindi ko pa rin matanggap.

Ayos na sana kong ako nalang ang masaktan huwag na si Jade.Andami na niyang pinagdaanan na hirap simula nang maging kami.Kahit hindi ko man sinasadya lagi nalamang siyang nasasaktan.

Isang tawag sa aking telepono ang nakapagpagising nang aking diwa.

Manang Elsa was calling me right now.

"Manang?What happened?Why did you call?.."nag aalala kong tanong sa kaniya.

"Señorito,may naghahanap pong babae sa inyo.Abby daw po ang pangalan.Nakauwi na po pala si señorita Jade.."iyon lang at tuluyan akong napabangon sa kama.Nakatulog na ako sa isa sa mga hotel dito sa Bali dahil hindi ko na kinayang umuwi kahapon sa sobrang kalasingan.

"Pauwi na ako,Manang.."iyon lang at pinatay ko na ang tawag.

What the hell is happening?.Bakit nandito sa Bali si Abby..

Mabilis akong naligo at bumiyahe na patungo sa resort.

Napakatahimik pagdating ko sa bahay.Ang tangi ko lamang naririnig ay ang aking dibdib na halos nagwawala na at hindi ko maintindihan.

I saw Manang Elsa at the living room.Natuon ang aking tingin sa  babaeng nasa sala at sa batang hawak hawak niya.

Isang lingon sa akin at tuluyan siyang ngumiti.Nagpaalam na si Manang na pupunta sa kusina para maghanda nang merienda.

"W-what are you doing here,A-abby?.."iyon lang ang tangi kong nasabi.

"M-marcus,I am s-sorry na hindi ko sinabi sa'yo.But Aki needs you..She is your d-daughter..."parang bomba ang biglang sumabog sa aking narinig.

"Fuck!!What did you say?!.."parang bigla akong nabingi sa kaniyang rebelasyon.

"B-buntis na ako nang maghiwalay tayo!.At hindi ko alam!..Itatago ko na lang sana kaso nang malaman nang parents ko itinaboy nila ako,Marcus...I have to support my pregnancy,pero kinaya ko.But right now,I don't think I can still support our child,she is sick.S-she needs you more than anyone else.."iyon lang at tuluyan akong napaiyak.

Pareho kaming umiiyak.She let me hugged our daughter.Kahit pa itanggi ko,alam kong akin siya.Kamukhang kamukha ko si Aki.

Halos kasabay nang pagkawala nang anak namin ni Jade ang pagdating ni Aki sa buhay ko.Is this a sign?Na hindi kami itinadhana para sa isa't isa?.Na dapat ko ba siyang kalimutan at hayaang sumaya sa piling ni Damon?.

"Saan ka tumutuloy?Ihahatid ko na muna kayo.Babalikan ko lang ang mga gamit ko at may kakusapin lang ako..."mabilis kong sabi sa kaniya at tumalikod na habang karga karga si Aki sa aking mga bisig.

Ang kaniyang mga maliliit na kamay ay pilit iniyayakap sa aking leeg.From the look of it,she is really sick.Ayoko ng mawalan pa nang isang anak.Hindi ko na yata kakayanin pa.

Dumiretso kami sa resort upang ihatid na muna si Abby at ang aming anak.Umiyak pa si Aki at ayaw bumitaw sa akin.

I tried to calm her.Mabuti nalang at nakatulog na siya.Nagpaalam ako muli na aalis at babalikan ko na lamang sila.

Pabalik nang bahay ay hindi ko na alam ang gagawin.Parang bigla akong namanhid nang tuluyang makita si Jade sa sala.

Isang nakakabinging katahimikan ang sumalubong ulit sa akin.Ngunit hindi ko napigilang titigan ang kaniyang mga mata.

Kahit pa wala akong tinig na naririnig.Dire diretso ang luhang tumutulo sa kaniyang mga mata.Ang sakit sakit isipin na ako ang dahilan nang lahat nang pighati niya.

"J-jade...H-hindi ko sinasadya..I don't know that i got her pregnant bago kami nagkahiwalay..Aki is sick,she needs me..I'm so sorry..I'm so sorry--"tanging iyon lamang ang kaya kong sabihin sa kaniya.

"B-bakit ang hirap hirap mong m-mahalin,Marco?Bakit kailangan kong masaktan nang ganito?M-minahal kita Marco..pero hindi ko alam na may kasamang sakit ang magmahal..S-sumusuko na ako...A-ayoko nang ipagpilitan ang sarili ko...M-may taong masasaktan...May b-batang naghihintay sa'yo...Ipinapaubaya na k-kita,Marco...P-palayain na lang natin ang isa't isa..."iyon lang at tumalikod na siya sa akin.

Ngunit mabilis akong nakalapit sa kaniya.Niyakap ko siya nang mahigpit.Hinayan niya akong yakapin siya kahit man lang siguro sa huling pagkakataon.

"Kahit kailan hindi ko naisip na hahantong tayo sa ganito...I already build my future with you,Jade..Hindi ako kailan man naghangad pa nang kung ano..Maliban lang sa mahalin mo'ko...Iyon lang sapat na sa akin.At hindi ko nagsisisi kong bakit kita minahal...You made me the happiest man...Kung sakali man aalis ako dito,hindi nangangahulugang,kakalimutan na kita...Habang buhay akong magmamahal sa'yo..Ngunit ibibigay ko ang kalayaang hinihiling mo.."isang halik sa gilid nang kaniyang ulo at tuluyan na akong bumitaw.

Pareho kaming nasasaktan.Tamang pag ibig sa maling oras.Pinagtagpo kami nang pagkakataon.Ngunit hindi nakatadhanang magpatuloy...

Umiiyak siya habang bitbit ko ang aking maleta.
Isang sulyap pa ang ibinigay niya bago tuluyan kong bitawan ang aking dala.

Niyakap ko siya nang sobrang higpit.
Tanging mga hikbi na lamang ang aking naririnig galing sa kaniya.

"Huwag mong papabayaan ang sarili mo..Lagi mong iisipin kahit malayo ako,mahal na mahal pa rin kita..Hanggang sa muli nating pagkikita..."isa pang halik sa kaniyang noo at tuluyan na akong umalis sa harap niya.

Baon baon ko ang aming mga alaala.
Alam kong hindi siya pababayaan ni Damon.Kung darating ang araw na tuluyan niya akong makalimutan at bigyang pagkakataon si Damon na mahalin siya.Sana lang sa pagkakataong iyon,hindi na siya iiyak.Hindi na sana siya masaktan kagaya nang nagawa ko sa kaniya.

Huling sulyap bago ako tuluyang umalis sa kaniyang bahay.Nakita kong niyakap siya ni Damon.Masakit man pero kailangan kitang ipaubaya sa kaniya.Ayoko mang may humawak sa iyong iba,wala na akong magagawa pa.Sana lang maging masaya ka.Kahit iyon na lang,wala na akong hihilingin pang iba.Maliban sa gumaling si Aki at maging masaya ka...

Hanggang sa muli nating pagkikita..
Hanggang sa araw na pareho na sana tayong masaya..

Habang buhay kong babaunin ang mga alaala nating dalawa..

Habang buhay kong ipapanalangin na maging masaya ka..
At sana gabayan ka nang ating anak na nasa langit..










#mhelabs❤️
#jzan1986💋


I'm in love with you,old man..(completed)☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon