Pauwi na kami sa probinsiya nila nanay dahil doon na daw kami titira sa lolo ko. Una ayaw ko pang sumama dahil may maiiwan akong mga kaibigan ko sa maynila. Kaya lang nito ko lang nalaman na pinaplastik pala nila ako pag hindi nila ako kasama. Kaya kahit ayaw ko sa probinsiya namin, napasama na lang ako para hindi na makita ang mga dati kong kaibigan."Ayusin mo 'yang itsura mo dahil malapit na tayong bumaba, Bles Jrheyn," sabi ng nanay ko sakin.
Ayos na nga 'tong mukha ko eh, may maiaayos pa ba?
"Malapit na? Kanina pa nga tayo nandito sa jeep pero hindi pa din tayo bumababa," irita kong sabi.
Sabi pag na sa probinsiya ka presko ang hangin, eh bakit ang init ngayon?
"Ayan na tara na!" sabi niya sabay hawak sa 'kin sa braso. "Maa, para dito lang kami," sabi niya sa driver para huminto.
Nang makababa naman kami sa jeep, bumungad agad sa 'kin yung medyo may kalawang na gate. Maraming mga tanim at naglalakihang puno sa paligid. Agad naman kaming pumasok ni nanay sa loob. Pagpasok namin nakita ko kaagad 'yung luma at malaking bahay nila lolo.
"Andito na sila tita bernadeth, Lolo!" sigaw ng batang naglalaro sa labas ng bahay.
Agad namang lumapit sa akin si nanay. "Pinsan mo 'yan si Ace, anak ng Tita Clarita mo," bulong sa 'kin ni nanay bago kami naglakad papasok ulit.
Nang na sa sala naman kami ng bahay, bumungad na sa 'kin si Lolo Brosyo at 'yung dalawang kapatid ni nanay.
Lumapit naman agad sa 'kin si Lolo. "Eto naba si bles, na pinaglihi mo sa sama ng loob?" sabi niya sabay yakap sa 'kin. "Biro lang 'yon apo wag mo sana seryosohin," natatawa pa niyang sabi.
Nagmano naman ako agad kay Lolo, na ikinangiti niya.
Pati doon sa dalawang kapatid ni nanay nagmano na rin ako.
"Sumama ka sa 'kin Bles, papakilala ko 'yung iba mo pang pinsan sa 'yo." Aya sa 'kin ni Tito Bernard, na pangalawa sa kanilang tatlo.
"Sige na, sumama ka na muna sa Tito, mo at ilalagay ko lang 'tong gamit natin sa kwarto," sabi pa ni Nanay.
No choice na naman ako kaya ang ending sumama pa rin ako kay, Tito.
Dumiretso kami sa may kusina kung saan nadatnan kong kumakain 'yung mga pinsan ko.
"Mga pamangs tama na muna 'yang paglamon, andito 'yung pinsan niyong galing maynila," sabi ni Tito sa kanila.
Tinignan naman nila akong lahat ng banggitin ni Tito 'yon.
Hindi ko inaasahan na medyo marami pala maganak mga kapatid ni Nanay.
"Si Bles Jrheyn, anak ng Tita Bernadeth, niyo," pagpapakilala sa 'kin ni Tito sa kanila.
"Ahm, hello," nahihiyang bati ko.
"Nakikita mo naman siguro na madami sila 'di ba?" tanong niya sa 'kin na sinagot ko lang ng pagtango. "Ang pinakamatanda mong pinsan ay si Kuya Fernan mo," sabi niya sabay turo sa lalaking nasa unahan. "'Yung dalawang babae na katabi niya ay si Ate Belle, at Ate Bella mo," sabi niya sabay turo doon sa dalawang babae na kambal pa ata. "'Yung kaninang bata na si Ace 'yon ang bunso ng Tita Clarita mo at sila 'yung ate at kuya niya."
"Hi Bles, wag kang mahihiyang kausapin kami ni Ate Bella mo ah. Masaya dito sa bahay promise," sabi niya sabay ngiti sa 'kin.
"Bago palang dito si Bles, baka mamaya kung saan-saan ni'yo pa dalhing dalawa." Singit ni Kuya Fernan.
Bigla naman siyang tinaasan ng kilay ni Ate Belle. "Excuse me Kuya, sinabi ba naming masaya sa labas? 'Di ba nga sabi ni Bella masaya sa bahay." Sabay irap sa Kuya niya.
"Magsitigil nga kayo, ang aga-aga bunganga ni'yo agad naririnig ni Bles." saway ni Tito sabay baling sa tatlo pang lalake. "'Yung tatlong lalake namang sumunod sa kambal, anak ko naman 'yon, Bles. 'Yung panganay si Kuya Paolo mo, 'yung pangalawa naman si Kuya Benchard mo, tapos 'yung huli si Kuya Alejandro mo," pinal niyang pagpapakilala sa mga anak niya.
Nginitian naman ako agad ni Kuya Benchard. "Alam mo Bles, dapat hindi ka sumasama sa kambal, puro paghahanap lang ng lalake ang alam ng dalawang 'yan." Bungad niya.
Bigla namang lumapit 'yung dalawang kambal sa kan'ya at sabay nilang binatukan si Kuya. "Kapal mo naman! Palibhasa wala kang nahaharot na babae," bulyaw ni bella sa kan'ya.
Nang magaway-away na 'yung tatlo hindi na ako nagtagal doon at lumabas na lang.
Ayos na siguro na kilala ko lahat ng pinsan ko. Masiyado silang maingay at puro bulyawan. Saan kaya nagmana ang mga 'yon?
May mga itsura nga, ang iingay naman tuwing umaga. Kaya ko kayang magtagal dito ng ilang taon? Sabi kasi ni nanay dito na rin daw niya ako pagaaralin hanggang college. Kaya naman siguro kung pagtitiisan ko lang 'di ba?"Ate Bles, bakit mag-isa ka dito?" tanong sa 'kin ni Ace na babaeng kapatid din nila Kuya Fernan.
Hinarap ko naman siya sabay gulo ng buhok niya. "Ang ingay kasi ng mga ate at kuya mo sa loob kaya lumabas na lang ako," sabi ko sa kan'ya.
Natawa naman siya ng dahil sa sinabi ko. "Maiingay talaga sila tuwing umaga," sabi niya sa 'kin bago siya tumayo. "Tara Ate Bles, oras na ng kwento ni lolo sumama ka sa 'kin." pag-aaya niya.
Dahil curious ako sumama ako sa kan'ya.
Hindi ko alam na nagke-kwento pala si Lolo rito. Ano naman kaya 'yung mga kine-kwento niya sa mga pinsan ko?
Pinaupo naman ako ni ace sa damuhan kasama 'yung iba pang mga bata.
"Bakit an'dami yatang bata rito, Ace?" takang tanong ko sa pinsan ko.
Umupo muna ng maayos si ace bago humarap sa 'kin. "Sila yung mga kapitbahay natin na nakikinig din kay, Lolo," Sagot niya.
So parang Lola Basyang ang peg ni Lolo, gano'n?
Wala namang kine-kwento si nanay tungkol dito kaya wala akong kaalam-alam. Hindi rin kasi ako rito lumaki kaya hindi ko rin lubos na kilala si Lolo Brosyo.
Bigla namang lumabas si Lolo, ng may dala pang isang libro.
"Handa na ba kayong makinig ng bagong kuwento mga apo?" tanong niya sa 'min.
"OPOOO!!!" sabi nilang lahat kay, Lolo.
Huli ko na nalaman na nakiki-opo na rin ako sa kanila. At seryosong nakaupo sa damuhan para makinig ng ike-kwento ni Lolo sa 'min.
![](https://img.wattpad.com/cover/243493043-288-k636096.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Mga Kwento Ni Lolo Brosyo (COMPLETED)
Novela JuvenilIsang dalagang napunta sa probinsiya at hindi niya inaasahan na mahuhumaling siya sa mga kinekwento ng kanyang lolo. Date Started; October 08 2020 Date Finished; November 26 2020