KABANATA 5

30 2 0
                                    


Pagkatapos ng nangyari ng araw na 'yon naging maayos naman ang lahat. Kaya lang umuwi ako sa bahay na may bukol sa ulo. Nahuli kasi ako ng nanay niya na hinalikan siya. Napalo tuloy ako ng tambo sa ulo ko. Hindi naman ako nagalit o nagreklamo pa kasi kahit ako, nabigla rin sa ginawa ko. Pero masakit talaga 'yung pagpalo. Akala ko nga nabutas na 'yung ulo ko, buti at bukol lang ang mayroon.

Hindi na rin siya pumapalya sa pagpunta sa bahay. Palagi na siyang nandito tuwing umaga hanggang maghapon. Sinimulan ko na rin siyang ligawan dahil 'yon ang tamang gawin. Hiningi ko ang pagpayag ng magulang niya bago ko hingin ang kan'ya. Kasama ko pa sila Papa, nang araw na umakyat ako ng ligaw. Kinabahan ako no'ng una pero ng payagan na 'ko ng mga magulang niya, nawala lahat ng kaba ko sa katawan.

Napagisipan kong ayain ngayon na lumabas si Alyana, tutal naman linggo ngayon at walang pasok. Inaya ko siyang magsimba at pagkatapos no'n kumain sa gusto niyang kainan. Pumayag rin naman siya dahil minsan lang kaming magsimba ng kaming dalawa lang. Nagayos agad ako ng sarili para makapunta na sa kanila. Nang matapos na, nagpaalam na 'ko kay, Papa. Hindi rin nagtagal ng nasa tapat na 'ko mismo ng bahay nila.

Hindi naman ako naghintay ng matagal dahil ng makita ko si Alyana, bihis na bihis na siya. Kahit napakasimple lang ng suot niya, ang ganda pa rin niyang tignan.

"Natutjlala kana naman d'yan," natatawa niyang bungad sa 'kin.

Ngumiti naman ako sa kan'ya. "Ang ganda mo lang."

"Bolero," sabi niya.

Mahina naman akong natawa bago kunin ang kamay niya. "Hindi kita binobola. Tara na at baka mahuli pa tayo sa misa," sabay aya ko na sa kan:ya.

Nakasakay agad kami ng tricycle paglabas ng bahay nila. Magkatabi na kami ngayon sa loob, hindi tulad noon na nasa tabi ako ng nagmamaneho. Hindi rin nagtagal ng nasa simbahan na kami. Naguumpisa na ang misa kaya agad kaming pumasok para makahanap ng mauupuan. Nang makahanap, nakinig na kami sa pari.

Titig na titig lang ako sa harap. Hinihiling ko na sana hindi maling nagustuhan ko siya. At sana tama ang desisyon kong mahalin siya habang tumatagal. Hindi ako makapaniwala na 'yung dati kong kasama sa kapilyuhan. Mamahalin ko ng lubos ngayong araw. Hinihiling ko na sana maging masaya siya sa piling ko. Sisiguraduhin kong hindi siya magsisisi na ako 'yung minahal niya.

"Anong hiniling mo?" bungad niyang tanong ng matapos kami magdasal.

"Hiniling kong maging masaya ka sa piling ko," sagot ko sabay nakangiting baling sa kan'ya.

Ngumiti naman siya sa 'kin pabalik. "Hindi mo na dapat pang hilingin 'yan. Masaya naman na 'ko sa 'yo, dati pa."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero sobra-sobra na yata 'to. Mas lalo akong nahuhulog sa bawat araw na nakakasama kita. Mas lalo kitang minamahal dahil sa kung sino ka. Ayokong mawala ka sa 'kin, alyana.

Nang matapos ang misa, agad kaming lumabas para maghanap ng makakainan. Dahil sa sobrang dami ng tao sa gusto niyang kainan, hindi na kami tumuloy roon. Kumain tuloy kami ng turo-turo dahil wala na kaming pagpipilian. Gutom na rin siya kaya hindi na niya napigilan. Nakita ko naman na nabusog siya kahit 'yon lang. Hindi rin naman siya maarte sa kung anong pwedeng kainin. Naparami nga ang kain niya ngayon.

Nang matapos kami sa pagkain, naisipan naming maglakad-lakad muna bago umuwi. Hawak-hawak ko pa rin yung kamay niya hanggang ngayon. Sinusulit ko talaga ang bawat oras na kasama siya. Ayokong may nasasayang akong pagkakataon. Lahat ng oras na kasama siya, pinahahalagahan ko.

"Nabusog ka ba sa kinain natin?" tanong ko.

"Oo naman, kapag kasama kita lahat yata nakakain ko," sabay tawa niya.

Ang Mga Kwento Ni Lolo Brosyo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon