KABANATA 6

27 2 0
                                    


Mga ala-sais na natapos magkuwento si Lolo. Mahaba-habang kuwentuhan 'yon sa nag-iisa niyang anak na lalake. Sa sobrang tagal nga, akala ko bukas pa ng umaga matatapos. Bukas pa naman na 'yung unang klase ko rito. Dumiretso na kaming lahat papunta sa kusina para makapaghapunan na. Nagkekuwentuhan pa nga 'yung tatlong lalake na anak ni Tito Nard, ng papasok kami ng kusina.

Pagpasok namin nakahanda na lahat, 'yung mga kakain na lang 'yung kulang. Sa sobrang libang namin sa kuwento ni Lolo, hindi na kami nakatutulong dito sa pagluluto. Nakaupo na sa kan'ya-kan'yang puwesto sila Tita, Tito at si Mama. Kami na lang talagang mga anak 'yung kulang pati si Lolo. Tahimik kaming umupong lahat bago magsimulang kumain. Nang matapos, kaming tatlo ng kambal 'yung naghugas ng pinagkainan.

Kinaumagahan, sabay-sabay na kaming naghanda para sa pagpasok. Nang matapos na kaming mag-ayos lahat nagpaalam na kami kay, Lolo. Pumara lang ng jeep si Kuya fFernan, para sa 'ming lahat. Hindi naman nagtagal ng makasakay na kami. Si Ace, lang ang naiwan sa bahay dahil hindi pa siya pumapasok.

"Akala ko talaga hindi na matatapos 'yung kwento ni Lolo, kagabi." si belle.

Tumango-tango sa kan'ya si Ate Bella. "Hindi man lang natin napansin na gabe na ng matapos," sabi niya.

"Mukhang humaba dahil kay Bles, noon naman hindi gano'n 'yon." singit ni Kuya Ben.

Mahina akong natawa. "Hindi naman siguro gano'n, Kuya," sagot ko.

Bigla naman akong inakbayan ni Kuya Alejandro, na katabi ko. "Mahaba rin naman no'ng ikinuwento sa 'tin ni Lolo 'yon. Maaga lang talagang nagsimula si Lolo, kaya hindi rin tayo ginabi no'n."

Hindi na rin naman nagsalita 'yung iba ko pang pinsan at sumang-ayon na lang. Naunang bumaba ng jeep sila Kuya, bago kami sumunod. Sabay-sabay rin kaming pumasok sa gate ng eskuwelahan. Kung saan dating nagaaral sila, Mama.

"Bles, 'yung klase mo baka nagsisimula na, nasa pangalawang palapag sa unang pinto ang kuwarto ng section ni'yo. Mauna na kami ng mga Ate mo ha, magiingat ka." Si Kuya Fernan, bago sila magpaalam sa 'kin isa-isa para makapasok na sa kani-kanilang klase.

Agad naman akong umakyat sa sinabi ni Kuya Fernan. Pumasok rin ako sa unang pinto na sinabi ni Kuya. Nang nasa harap na at naghahanap ng mauupuan, may biglang sumulpot sa mismong harapan ko. Malapad na ngumiti sa 'kin ang isang babae. Maputi siya at may maikling buhok. Maganda at makinis rin ang mukha niya.

"Bago ka rito? Anong pangalan mo? Taga saan ka? May mga kapatid o kamag-anak ka ba rito na nagaaral?" sunod-sunod niyang tanong sa 'kin.

Hindi naman ako nakasagot agad dahil may isa pang babae na sumulpot sa harap ko. Agad nitong kinuha ang kamay ko para makipagkamayan sa kan'ya. Ngiting-ngiti rin siya tulad ng isa kong kaharap.

"Ako si Adella, kaklase mo kaming dalawa ni Desiree, kung dito ka nga sa section namin," sabi niya.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila.

"Ako pala si Bles, pinsan ng mga Santiago." Pagpapakilala ko.

Nahihiya ako sa kanila pero maayos na rin siguro 'to para kahit papa'no may maging kaibigan ako rito. Napahawak ako sa may tenga ko ng biglang tumili 'yung dalawa. Nang makita naman nila 'yung lagay ko, agad silang humingi ng tawad.

"Pinsan mo pala sila Kuya Fernan, grabe kaya pala medyo kahawig mo 'yung bunso niyang kapatid," sabi ni Adella.

Agad na kumawit sa braso ko si Desiree. "Alam mo Bles, magkakasundo tayong tatlo. May isa pa kaming puwesto roon, pwede kang tumabi sa 'min ni Adella." Sabay hatak niya sa 'kin.

Hindi na 'ko magtataka kung kilala nga sila Kuya Fernan, rito. Hindi ko lang inaasahan na ganoon ang magiging reaksyon ng dalawa dahil sa nalaman.

"Alam mo bang crush na crush ng ate ko 'yung isa sa tatlong magkakapatid na lalake? 'Yung si Kuya Alejandro, sobrang bait daw kasi no'n, hindi tulad no'ng bunso nila." Si adella ng makaupo kami.

Ang Mga Kwento Ni Lolo Brosyo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon