KABANATA 1

215 4 0
                                    


"Papa, nasaan na sila Deth at Nard? Mahuhuli na kami sa eskwela wala pa sila rito sa baba," bungad kong sabi.

Nandito kasi ako ngayon sa sala namin at hinihintay na lang 'yung dalawa kong kapatid bago pumasok. Unang araw sa klase tapos ambabagal magsikilos.

"Pababa na 'yon Ate, maghintay ka lang hindi pa naman kayo mahuhuli," sagot sa 'kin ni papa.

Napalingon naman ako sa may hagdanan namin ng may nagmamadaling bumaba.

"Nasaan si Deth? Bakit ikaw lang ang bumaba?" tanong ko kay Bernard paglapit niya sa 'min.

Inayos naman niya 'yung damit at bag niya bago humarap sa 'kin. "Pababa na Ate, alam mo naman 'yon napakadalagang pilipina. Napakahinhin kung kumilos tapos ang gusto pang suotin 'yung mga mahahaba," sagot niya sa 'kin.

"Tinanong lang kita kung bakit hindi mo kasama, ang dami mona agad sinabi piste ka!" medyo mataray kong sabi.

Napakamot naman siya sa ulo niya. "Aga-aga ang sungit mo!"

Kunot-noo ko naman siyang tinignan. "Tigil-tigilan mo 'ko sa gan'yan, baka makutusan lang kita r'yan," sabi ko sabay amba sa kanya kunwari.

Bigla naman siyang nagtago sa likod ni Papa, kaya natawa sa kanya si Papa.

"Ate, wag naman masiyadong masungit baka pumangit ka niyan," sabi ni papa sabay lapit at hawak sa balikat ko.

Napatingin ulit ako sa hagdan ng bumaba na si Badeth. Kahit kailan talaga napakahinhin kumilos nitong kapatid ko na 'to.

"Bakit ang tagal mo namang bumaba, Badeth?" tanong ko ng makalapit na sa 'min.

"Pasensiya na Ate, nilagay ko pa kasi sa bag ko 'yung mga libro." Paliwanag niya.

Nakita ko naman na parang nabibigatan siya sa dala niya. Kinuha ko naman 'yon sabay hagis kay Nard, para siya na 'yung magbitbit.

"Masiyado ka ng matalino Deth, mas kailangan ng kuya mo 'yang mga libro mo. Saka bakit lahat yata dinadala mo?Hindi mo naman kayang bitbitin 'yang gan'yan kabigat."

Nagulat pa ako ng biglang ibagsak ni nard 'yung bag ni Deth, sa sahig.

"Ang bigat! Hindi ko kayang buhatin, makakapal yata na libro ang laman nito," sabi ni Nard.

Nagrereklamo na naman.

"Tara na nga pumasok na tayo, wag mona dalhin 'yang mga libro mo at baka mahampas ko lang sa kuya mo 'yan," sabi ko sabay lakad na palabas.

"Alis na po kami, Papa." rinig kong paalam ng bunso namin kay papa.

Nang may matapat na tricycle sa harap namin sumakay na sa likod si Nard, habang kami naman ni Deth sa loob. Hindi rin naman nagtagal 'yung biyahe namin at nandito na kami sa eskwelahan namin. Pagbaba ko, binigay ko na 'yung bayad kay manong. Nang makababa na 'yung dalawa kong kapatid binigay ko na sa kanila 'yung baon nila. Magrereklamo pa sana si Nard ng samaan ko siya ng tingin.

Nagpaalam na rin sa 'kin si Deth, na didiretso munang silid aklatan dahil may babasahin lang daw. Habang si Nard, naman didiretso na daw sa unang klasi niya pagkatapos niyang daanan si Alyana.

Naglalakad ako papunta sa unang klase ko ng madaanan ko yung tropa nila Fernando. Nang madaan naman ako sa kanila bigla naman niya akong hinarangan.

Kunot noo ko namang siyang tinignan. "Aalis ka o babangasan ko 'yang mukha mo?" irita kong tanong.

Mahuhuli na nga ako sa klase may mga asungot pang haharang.

"Ang lakas talaga mambanta niyan kahit kailan," sabi ng isa sa mga tropa niya. "'Yung dalawa naman niyang kapatid mukhang mabaet pero ang isang to hindi."

Ang Mga Kwento Ni Lolo Brosyo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon