KABANATA 7

17 2 0
                                    


"Magandang umaga, Papa!" masigla kong bati bago siya halikan sa pisngi.

Hindi ko alam pero magaan ang pakiramdam ko ngayon. Ang ganda rin ng gising ko ngayong umaga at hindi ko alam kung anong dahilan. Nagising na lang ako na ang saya-saya ko na. Hanggang sa paglabas ng kuwarto, may ngiti pa rin ako sa mga labi ko.

"Mukhang maganda ang gising ng anak ko ah, anong meron ngayon at ngiting-ngiti ka?" tanong ni Papa, ng makaupo ako sa tabi niya.

Hinilig ko naman 'yung ulo ko sa balikat niya. Linggo ngayon at walang pasok kaya hindi ako magkakandaugaga sa pagmamadali.

"Maganda lang po ang gising ko pero hindi ko alam ang dahilan, Papa."

"Baka dahil may nobyo kana kaya ngiting-ngiti ka?" may halong pang-aasar na tanong niya.

Agad naman akong napaayos ng upo bago gulat na tumingin sa kan'ya. "Papa, wala po akong nobyo."

"Baka ngayon wala pa pero baka bukas meron na." Tukso niya pa.

Napanguso naman ako. "Kahit tanungin niyo pa po si Kuya, wala talaga akong nobyo, Papa."

Magsasalita na sana si Papa ng biglang lumitaw si Kuya, kasama si Ate Alyana..Agad naman akong ngumiti sa nobya ng Kuya ko. Kahit simple lang talaga ang suot niya ang ganda-ganda pa rin niya.

"Tatanda raw dalaga ang bunso ni'yo, Papa," sabi ni Kuya, sabay tingin sa 'kin. "Halos lahat yata ng lumalapit na lalake sa kan'ya tinatarayan niyan."

Napairap ako sa kapatid ko. "Nakakairita na kasi sila, Kuya. Oras-oras ba naman nila akong 'di tinatantanan kasusunod sa 'kin." Giit ko.

Mahina namang natawa si Papa. "Hindi na 'ko magtataka kung gano'n ka nga. 'Yung Ate, mo kasi gan'yan rin kaya hindi na 'ko magtataka kung nahawa ka na sa kan'ya."

Mas lalo akong ngumuso. "Ayoko lang po na sinusundan nila ako, Papa. Kahit nagaaral ako sa library, nakasunod na parang buntot ko."

Hindi na tuloy maganda ang araw ko dahil sa mga 'yon.

Agad namang lumapit si Kuya, sa 'kin sabay halik sa noo ko. "Kunot na kunot na noo mo, Bunso. Baka pumangit ka na niyan." Tukso niya.

Mas lalong sumama 'yung mukha ko dahil sa sinabi ni Kuya. Pinalo naman siya ni Ate Alyana, sa braso ng makita 'yung mukha ko.

"Wag mong pansinin ang Kuya mo, Deth. Nawawala lang 'to sa katinuan kaya pagpasensyahan mo na," sabi ni Ate Alyana habang kinukurot pa si Kuya.

Hindi ko naman na pinansin pa si Kuya, hindi rin naman nagtagal ng magpaalam na silang dalawa sa 'min ni Papa. Kami na lang ulit ang magkasama rito sa sala habang nakatingin sa labas ng bintana. Mula rito makikita mo ang kabuuan ng hardin namin. Kita ko rin dito 'yung nagiisang malaking puno na sila pa ni Mama, ang nagtanim.

Simple man ang buhay namin dito pero lahat naman ng gusto namin naibibigay ni Papa. Simula ng mawala si Mama, mas naging tutok sa 'min si Papa. Ayaw niya raw kasi na bulyawan siya ni Mama, kapag kinuha na siya dahil hindi niya kami naalagaan ng mabuti. Maayos naman kaming pinalaki ni Papa, simula ng mawala si Mama. Hindi ko na naabutan pa si Mama, dahil hindi raw nito nakaya pa no'ng ipinanganak ako.

Naging nanay na sa cmin ni Kuya si Ate Clarita, kahit na medyo mataray at nakatatakot si Ate, naalagaan naman niya kami ng maayos. Hindi sila nagkulang ni Papa, sa 'min ni Kuya. Malapit na ring makapagtapos si Ate ,ng kolehiyo kaya baka siya na rin ang bubuhay sa 'min kasama si Kuya Fernando. No'ng una tutol pa roon si Papa, pero sinabihan na siya ni Ate, kaya pumayag na rin.

Hindi pa naman matanda si Papa, kaya pa niyang magtrabaho kaya lang ayaw na talaga ni Ate. Siya na raw ang bahala sa 'min hanggang sa makapagtapos na kami ni Kuya. Kapag nakapagtapos raw si Kuya, siya na raw ang magpapaaral sa 'kin. Marami silang plano para sa kinabukasan ko at ni Kuya. Kahit kailan hindi ako sumuway o naging sutil sa kanila. Ayoko ng makadagdag sa sakit ng ulo.

Ang Mga Kwento Ni Lolo Brosyo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon