Levi's Point of View"Dahline naman! Napagusapan na natin toh diba?! Wala munang magsasabi ng totoo sa kaniya! We need more time, pero anong ginawa niyo?! Oh god! Nangako ako kay Themasie at Jaxson na aalagan ko si Themarie!" Malakas na sigaw nang Tita ni Themarie
Nandito kaming lahat sa labas ng operating room. Bigla nalang nawalan ng malay kanina si Themarie kaya agad naming sinugod sa hospital. Hindi ko alam bakit ang lakas pa din ng tama ko kay Themarie hays!
Dala na din siguro ng matagal kong pagkagusto sa kaniya. Sa kaniya lang ako malakas-
"Doc! Kamusta po siya?"
Agad akong nagangat ng tingin sa gawi nang Tita ni Themarie, na ngayon ay kausap na ang Doctor.
"She's okay now. Masyado lang pagod ang pasyente, alam naman nating lahat na ilang taon siyang na comatose dahil sa isang car accident. Hindi sapat ang ilang taon din para siya pagpahinga. And she.... she has a amnesia right....."
Hindi ko na narinig ang iba pang mga sinabi ng Doctor dahil agad akong naglakad palabas ng ospita. Nang makarating ako sa may parking lot ay hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina ko pa kinikimkim.
"F-Fuck that hurts" bulong ko at malakas na sumuntok sa kawalan.
Lalong bumuhos ang mga luha ko hanggang sa namalayan ko nalang na napaupo na pala ako sa gilid ng gulong ng sasakyan ko. Lalo pang bumuhos ang mga luha ko-
"Wag ka ngang magdrama diyan, mukha kang bakla." Nag angat ako ng tingin dahil bigla kong narinig ang boses ni Tonny
Nakapamulsa siyang nakatayo sa harapan ko. Hindi ako kumibo at isinandal lang ang ulo ko kung saan.
"Im sorry" rinig kong sabi ni Tonny
Mahina akong natawa. "Hihingi ka lang ng tawad kong napakahuli na ng lahat" mapait na sabi ko.
Siya naman ang hindi nakapagsalita. Tumingin ako sa kaniya at walang emosyong pinagkatitigan ang mga mata niya.
"Alam mo bang gusto gusto kitang ilibing ng buhay ng malaman kong may relasyon pala kayo ni Themarie noon? Alam kong mag kaibigan na tayo noon diba? Pero kayang kaya ko yung gawin sayo, kaso..... kaso anong laban ko sayo? Mahal ka niya eh ako..... ako lang ata ang nagmamahal sa kaniya-"
"I also cheated on her" napatigil ako sa pagkakasalita sa sinabi niya
Agad kong pinukol sa kaniya ang nakakasamang tingin. "You what?!" Galit na tanong ko
Pero ang gago ngumisi lang. "Yeah, you heard it right. I also cheated on her. Hindi ko alam bakit ko nagawa yun. Ang naisip ko lang nung mga panahon na yun kahit anong gawin ko hindi ko siya maaangkin. May fiancee na siya nung mga oras na yun, ayoko namang maging kabit-"
"So siya ang ginawa mong kabit? Tangina mo!" I cut him off
Tumawa na naman ulit siya. "Yeah. Tapos nung nalaman niya na nagloko din ako, yun din yung time na nalaman mong may relasyon din kami. Napakahirap ng sitwasyon na yun. Hindi mo alam kong anong gagawin mo. Kung sinong pipiliin mo-"
"Stop. Hindi na yan mahalaga sakin. All I want is Themarie. Ang makipagbalikan ulit siya sakin" malamig na sabi ko
I heard him sighed. "Okay. Hindi na ako tutol, alam kong ako talaga ang may kasalanan-"
"Buti alam mong gago ka!" Galit ulit na sabi ko
"HAHAHAHA! Alam mo ba kung sinong pinalit ko noon kay Themarie?" Tanong niya
"Sino?" Curious na tanong ko
Ngumisi muna ang loko. "Pinsan mo" sagot niya
Napa 'tsk' ako. "Napakadami kong pinsan, gago!" Angil ko
"Si Abigail" sagot niya
Nanlaki ang mga mata ko. "TANGINA MO 1000000 TIMES. NAPAKALANDI MONG GAGO KA!!!!" Malakas na sigaw ko na ikinatawa lang niya
Napailing nalang ako at tumayo. "Bumalik na tayo dun" sabi ko
"Mabuti pa nga" sang ayon naman ni Tonny.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
RomanceChat Novel #1 Themarie Janeswille Ramoza always chatting Levi Diego San Jose. Little did Themarie know, Levi was part of her dark past.