85

241 3 0
                                    

Themarie's POV

"Huyy babae kumain ka nga muna, kanina ka pa nakatulala diyan! Sakalin kita eh!" Napalingon ako kay Dahline na ngayon ay nagbubukas ng binili niyang pagkain.

Napansin niya atang kanina pa ako nakatingin sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. "Ayaw mo toh? Favorite mo toh diba? Mang inasal?" Tanong niya

Napangiti ako. Kaya naman pala parang pamilyar siya sakin. Agad kong kinuha sa kamay ni Dahline ang hawak niyang nasa box na mang inasal at ipinatong ito sa may maliit na mesa.

Nagdasal muna ako bago kumain. Unang subo ko palang ay napapikit na ako dahil sobrang sarap-

"Nakakamiss kumain nito kasama kayo ni Harrielly" biglang sabi ni Dahline

Uninom muna ako ng coke bago nagsalita. "Oo nga" sang ayon ko

Napatingin siya sakin. "Naalala mo na ba lahat?" She asked

Tumango ako at itinuon ulit ang atensiyon ko sa kinakain ko. "Oo, naalala kong naging crush mo pala yung Matteoxe na sinasabi-"

"THEMARIE!!!!!!!"

Lihim akong napangiti ako at sumubo ng pagkain ko. Muntik na akong mabilaukan ng nakita ko si Dahline na sobrang sama ng tingin sakin. Nilunok ko muna ang kinakain ko at uminom ng maraming tubig tsaka tumawa ng malakas. Pasensiya na nakakatawa kasi ang itsura niya eh HAHAHAHA!

"Sana pala hindi mo nalang naalala lahat" nagtatampong sabi niya

Tiningnan ko siya ng maigi. "Naging kayo ba nun?" I asked

She pouted. "Hindi kaya, alam mo namang pinag tritripan lang nila ako?" Mahinang sabi niya

Napangiti ako. "Baka naman nagkamali ka lang" ani ko

"Paanong magkakamali eh, nahuli ko na?" Seryosong tanong niya

Hindi mawala ang mga ngiti ko. "Nasa sayo na yan kung anong paniniwalaan mo" ani ko at binalik ang atensiyon sa kinakain niya.

"Balita ko may girlfriend na yun ngayon" rinig kong sabi niya

Nagpatuloy lang ako sa pagkain. "Hmm- hindi ko alam" ani ko.

I heard her sighed. "Tsk! Pakialam ko ba sa gagong yun?! Change topic! Naiirita ako pag pinaguusapan natin yun, naaalala ko yung ginawa niyang paghalik kay-"

"Maquette?"

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Wag mo ng ipaalala ang isa pang ahas na yun. Sumasanib na naman sakin ang paghademonyo ko, ayokong marinig ang pangalan na yun!" Seryosong sabi niya

Tumango ako. "Okay sabi mo eh" sabi ko



Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon