Themarie's Point of View
Sobrang nanginginig ako ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Niyaya ko sina Dahline, Tonny, Dexter at Levi na makipagkita. Gusto kong malaman ang totoo. Ang katotohanang hindi maalis sa isipan ko. Hindi ko alam.
Nung nagchat kami ni Dexter na binanggit niya na naging kami ni Tonny ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay. I don't know why?
Hindi ko naman matanong sa mga parents ko kase they both dead. Yeah sad to say. It hurts. Ngayon ay na kina Tita Tessa at Tito Iuhenxe nakatira. Tita Tessa is mommy's sister. Dalawa lang silang magkapatid.
Napatingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Mapait akong napangiti ng makitang 3:30 pm na. Tumayo na ako at naglakad papasok ng bathroom ko.
Kinakabahan ako ngayon. Naisip ko din bakit sa kanila ako magtatanong? Kung pwede namang kina Tita nalang. Isa pa, wala na din akong masyadong naalala sa lahat ng nangyari sa buhay ko.
Ni hindi ko nga alam kong bakit namatay sina Mommy at Daddy. Nothing! Wala akong maalala ni isa. Ang naalala ko lang ay sina Dahline, Dexter and Tonny.
Levi?
I don't know. Nakilala ko lang siya nung collage lang ako. I admit it okay! May crush ako sa kaniya.
So ayun na nga. Pumasok na ako sa bathroom ko para mag half bath.
***
Nang matapos akong mag half bath ay saktong alas kuwatro na. Dali dali akong nagbihis ng isang white dress paired with white block heels.
Pagkatapos ay tuluyan ng lumabas ng kwarto ko. Malapit lang din naman ang Irene and Mark's Café dito sa subdivision nina Tita.
***
Great! Nang makarating ako sa destination ko ay agad kong nakita sina Dahline, Tonny, Dexter at..... Levi. Mabuti naman at pumunta siya.
Nakangiti kong naglakad papunta sa gawi nila. Ang unang nakakita sakin ay si Levi na naka white polo at black khaki shorts. Damn! Why is this man so handsome?
Nagiwas ako ng tingin. "Hello guys!!" Malakas na bati ko sa kanila dahilan para mapasigaw sa gulat si Dahline
Silly.
Sinamaan niya agad ako ng tingin. "Nanggugulat ka na naman!" Mataray nyang sabi sa akin.
Ngiti lang ang naisagot ko at umupo sa isa pang bakanteng upuan. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at wala sa sariling napatingin sa mga pagkain na nakahain na sa harapan ko.
"Ang daya niyo, nag order agad kayo?" Bumaling ako kay Dahline na umiinom na pala ng buko shake.
"Yeah! Sorry." Biglang sabat ni Tonny, kaya napatingin ako sa kaniya.
Naka maroon polo siya at white short din. Teka- bakit parang pamilyar sakin- Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.
"Fuck!" Mura ko
"Hey! Are you okay?" Rinig kong tanong ni Dexter
Napasandal ako sa inuupuan ko at minasahe ang sentido ko. "Napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko. Shit!" Bulong ko.
Napatingin ulit ako sa kanila dahil bigla silang natahimik. Umayos ako ng upo at bumuntong hininga.
"Ahm- sorry kong niyaya ko kayong lahat dito. Gusto ko lang kasing sabihin sa inyo na hindi lang basta sumasakit ang ulo ko parati. Parati din akong nakakapanaginip ng masama. Hindi ko alam bakit naging ganito na ako" malungkot na sabi ko
Walang nagsalita sa kanilang lahat.
Napabuntong hininga ulit ako at kinuha sa purse ko ang cellphone ko. Ipapakita ko sa kanila ang hindi ko mapaliwanag na litrato.
Parati kong tinatanong bakit meron akong picture kasama si.... Levi
Agad ko iyung pinakita sa kanila ng walang pasabi. Nakita ko kong paano naibuga ni Dahline ang iniinom niyang shake at si Dexter naman ay napasunod sunod ang mura, ganun din si Tonny.
Dumako ang tingin ko kay Levi na walang emosyong nakatingin sa cellphone ko. Nang bumaling siya sakin ay hindi nakaligtas sa aking mga mata ang tumulong butil ng luha niya.
Nagiwas ako ng tingin at napatingin kay Dahline na ngayon ay humihikbi na. "Shit? Anong nangyari sayo?" Nag aalalang tugon ko
Napailing siya ng ilang beses pero humihikbi pa din. "I-Im s-s-so-sorry T-Themarie. W-were so sorry" aniya at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit
Naguguluhan man ako pero agad ko ding hinigpitan ang pagkakahawak ng kamay niya. "Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko
Nag angat siya ng tingin sakin. "I-Im sorry kase hindi ko sinabi sayo yung totoo" aniya at diretsong nakatingin sa mga mata ko
"Anong totoo-"
"Dahline don't" hindi ko nilingon si Levi. Pero si Dahline ay nilingon siya
Umiling ito. "Kailangan na nating sabihin sa kaniya, Levi. Ayokong mag sinungaling pa sa kaibigan ko. Alam kong mas lalo siyang masasaktan pag nilihim pa natin toh! Kaya please lang, kahit para sa best friend ko nalang" ani Dahline
"Dahline is right, Levi" sabat ni Dexter
"Sabihin mo na" malamig na saad din ni Tonny
Bumaling ulit sakin si Dahline at pilit na ngumiti. "You we're comatose for about eight years, Themarie" ani Dahline na ikinatigil ng mundo ko.
Nabitawan ko din ang kamay niya at napahawak sa table para hindi ako tuluyang mahulog. Nawalan ako ng lakas sa sinabi niya.
Na comatose ako ng walong taon?? Anong- paano??
Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko. "I-I w-was in coma? H-How? W-Why?" humihikbing tanong ko
Hinawakan ulit ni Dahline ang kamay ko. "Naaksidente kayo nina Tita Themasie at Tito Jaxson nung 15 birthday mo. May bumangga sa sinasakyang kotse niyo ng isang malaking truck. Dead on arrival sina Tita at Tito, pero ikaw naligtas ka kase agad kang naproktektahan ni Tita..... Im sorry if I didn't tell you. Im sorry sorry" umiiyak na sabi ni Dahline
Binawi ko ulit ang kamay na hawak niya at pinunasan ang mga luha kong patuloy pa din sa pagtulo. Napatingin naman ako kay Levi na seryosong nakatingin lang sakin.
Tumulo ulit ang mga luha ko. "Y-You..... a-are y-y-you part of my past too?" Umiiyak na sabi ko
Hindi siya sumagot kaya bumaling na naman ako kay Dahline. "Si Levi? Ano ko siya dati???" Tanong ko
Nakita kong nag-aalangan siya kaya agad ko siyang sinigawan. "Fuck!!! Just fucking tell me the fucking truth!!!!!" Malakas na sigaw ko at kinalabog ng malakas ang table
Wala akong pakialam kong masugatan ako. Ang kailangan ko ngayon ay ang kasagutan sa mga putanginang tanong ko.
"Levi was your ex fiancee pero inagaw kita sa kaniya" dahan dahan akong napalingon kay Tonny dahil sa sinabi niya
Oh my god!
Levi?? Levi??
Oh god!
He was my fiancee?
"W-What-"
"You cheated on me" napalingon naman ako kay Levi na ngayon ay nakatayo na pala at nakapamulsa
Umiling ako. "Oh my god. I.... hindi ko alam-"
"You don't love me either. Si Tonny ang gusto mo nun, pero ako matagal na kitang gusto. My family and your family already set us a arrange marriage. They are closest friends. Sobrang saya ko nung mga oras na yun, pero agad ding gumuho ng nalaman kong nagloko ka" mahabang sabi ni Levi at mapait na napangiti. "I was so fucking in love with you that time. Kaso naisip ko. Hindi mo naman ako mahal kaya hinayaan kitang magloko. Mali pala ako, you never cheated on me. You said to me that you also love me.... kaya nasabi ko yun sayo" aniya
Lalong bumuhos ang mga luha ko. "Fuck!" Mura ko.
"Themarie calm down please- THEMARIE!!"
Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Dahline dahil tuluyan na akong nawalan ng malay..
----
Yzay's note: Na-edit ko na po hihi.
BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
RomanceChat Novel #1 Themarie Janeswille Ramoza always chatting Levi Diego San Jose. Little did Themarie know, Levi was part of her dark past.