84

237 3 0
                                    

Themarie's POV

"Love?"

Kaagad akong ngumiti ng biglang bumukas ang pinto ng hospital room ko. Doon ko nakita si Levi na parang pagod pa, naka white polo siya at naka black pants. Mukhang kakagaling lang niya sa trabaho niya.

Lalo akong napangiti ng halikan niya ang pisngi ko at hinawakan ang isang kamay ko. Nakaupo na siya sa isang upuan.

I smiled more widely. "I remember you" mahinang sabi ko

Nakita ko kong paano siya natigilan. Kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak ng kamay niya. Lumapit pa ako sa kaniya at marihing hinaplos ang pisngi niya.

"You're right. I cheated on you, inamin ko sayong gusto kita noon kahit na fiancee na kita noon. Tanggap kong sabihin mo sakin ja niloko kita dahil totoo naman. Ang totoo niyan, hindi ako nagsinungaling sayo ng sabihin ko sayong gusto kita noon. Hindi ko nga lubos maisip bakit kita niloko at sa kaibigan mo pa talaga. Im so sorry love. Masyado pa akong bata nung mga panahong yun kaya ko nagawa yun" ani ko at napayuko.

"Tapos nung nalaman kong niloloko din pala ako ni Tonny, doon ko naisip na sabihin sayo ang totoo... at mamahalin kita higit pa sa pagmamahal ko noon kay Tonny... pero pinagtabuyan mo ako.... dapat lang sakin yun kasi niloko kita.... pero may mas sasakit pa pala doon noh-"

"I broke the arrange marriage" Levi cut me off

Tumulo na ang mga luha ko. "I-Im sorry ngayon ko lang naalala" humihikbing saad ko

Inangat niya ang baba ko at tiningnan ng malumbay. "It's okay love. Masaya nga ako kase naalala mo na ako nang sa gayun mahalin mo din ako-"

Hindi ko na siya pinatapos dahil naaakit na talaga ako sa mga mapupulang labi niya. Kaya ayun hinalikan ko...

Hanggang sa naramdaman kong hinahalikan din niya ako pabalik. Isinandal ko ang dalawang kamay ko sa mga balikat niya para mas lalong mapalalim ang halikan namin.

Biglang naginit ang katawan ko ng bigla niyang kagatin ang labi ko pinasok-

"AWEEITT!!!! STOP THAT FUCKING PORN!!!"

Kaagad akong humiwalay kay Levi ng bigla kong narinig ang sigaw ni Dahline. Namula ang mga pisngi koo...

Mutual UnderstandingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon