Dahline's POV"Ano bang nangyari, Dahline?" Pang ilang tanong na yun sakin ni Harrielly habang nasa byahe kami. Siya yung nagmamaneho at ako naman ay nasa shotgun seat. Tinawagan ko na din sina Dexter at Tonny, papunta na din sila sa Mansion nina Tita.
Kanina pa ako nanginginig pagkatapo naming magkausap ni Themarie naguguluhan pa din ako sa sinabi niya kaninang.... baril at dugo. Kaya dali dali ko ding tinawagan si Harrielly-
"Your so lutang na Dahline. We're here!" Awtomatiko akong napabukas ng pinto ng kotse ni Harrielly at dali daling lumabas ng kotse niya
Unang nakita ko ay ang kakarating palang Tonny at Dexter.
"What happen?" Tanong ni Dexter na parang kakagising lang sa isang mahimbing na tulog.
"Hindi ko din alam. Mabuti pa pumasok na tayo-"
"Teka lang, wala sina tita dito?" Tonny asked
Umiling ako. "Mukhang wala. Baka may business trip sila. Let's go inside na please-"
"Nasan pala si Levi-"
"Im here. So shut up and let's go Inside" agad akong napalingon kay Levi na ngayon ay naka pang office attire pa. Nasa trabaho pa siguro ito at dali daling pumunta dito.
Hindi na kami nag komento at agad na pumasok sa loob ng Mansion nina Themarie. Unang bumungad samin ay ang madilim na sala. Agad akong binalot ng takot dahil wala akong makita ni isa.
Muntik na din akong napatalon ng may humawak sa braso ko. "Im scared" rinig kong bulong sakin ni Harrielly.
Hinawakan ko nalang ang isa niya pang kamay. "Wag kang matakot, baka may tao din dito" bulong ko naman.
"Bakit nakapatay lahat ng ilaw? Brown out ba?" Rinig kong tanong ni Tonny
"Tsaka bakit wala ang mga kasambahay nila dito?" Boses iyon ni Dexter.
"Dala niyo ba cellphone niyo? Pailaw nga please" rinig kong sabi naman ni Levi
Dali daling kinuha ni Harrielly ang cellphone niya at agad na I on ang flashlight. Bumaling ako kay Levi na ngayon ay parang may hinahanap.
"Anong hinahanap mo pre?" Pabulong na tanong ni Tonny sa kaniya
"Switch gago!" Asik ni Levi na ikinatawa sa huli nina Tonny at Dexter.
Nakahinga kaming lahat ng maluwag dahil sa wakas ay may ilaw na din. "Tara sa kwarto ni Themarie" ani ko
Tumango naman silang lahat, sabay sabay din kaming naglakad pataas ng-
"SINO KAYO?!!!"
"AYY PUTANGINAAA!!!" Sigaw ko
Awtomatiko kaming napalingon sa baba dahil may narinig kaming boses matanda na boses.
"Nana Willy naman. Bakit kayo nanggugulat!" Nagdadabog na sabi ko
"Dahline? Oh anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Nana Willy.
"Si Themarie po kase?!" Nag aalangan na sabi ko
Nakita ko kung paano bumadya ang gulat at takot sa mukha ni Nana. "A-Anong nangyari kay Themarie? Juskoo! Wala dito sina Tessa, baka magragasa naman iyun pauwi pag may nangyari na namang masama kay Themarie!" Hindi mapakaling sabi ni Nana
Hindi na ako nag aksaya ng panahon agad akong tumakbo papunta sa kwarto ni Themarie. Agad kong pinihit ang knoor nob-
"THEMARIE!!!!" Malakas na sigaw ko at dali daling tumakbo papunta sa gawi niya na ngayon ay nakahandusay na sa baba ng kama niya, katabi niya ang cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog
"Themarie ano ba?! Anong nangyayari sayo- HOLY FUCK!!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung tinutukoy ni Themarie kanina sa cellphone na.... red box na may lamang kutsilyo at baril na may bahid ng dugo.
Dumako ang tingin ko sa isang inumin na wala na ngayong laman.... napatingin ulit ako kay Themarie at inamoy ang bibig niya.
Muntik na akong masuka ng maamoy ko ang napakatapang na alak? Alak ba yun-
"OH MY GOD!!! WHAT HAPPEN TO HER?!!!!"
Agad akong napalingon kay Harrielly na kakapasok lang sa kwarto at dali daling tumakbo papunta sa gawi ko para tingnan din si Themarie
"Dalhin natin siya sa hospital-"
"Kaya ba natin ang bruhang toh?" Tanong ko
"Bubuhatin ko siya" napalingon ako kay Levi na kakapasok palang
Hindi na ako kumibo at hinayaan nalang siyang buhatin si Themarie. Napalingon naman ako sa red box na nasa kama pa rin ni Themarie.
Agad ko iyung dinampot at tiningnan kong ano pang meron doon. Kumunot ang noo ko nang may makita pa akong nakatuping puting papel din.
Binuksan ko ito at binasa....
Do you like my gift to you, Themarie? Hope you love it, I have many more surprises to you. Just wait bitch
-N

BINABASA MO ANG
Mutual Understanding
RomanceChat Novel #1 Themarie Janeswille Ramoza always chatting Levi Diego San Jose. Little did Themarie know, Levi was part of her dark past.