13 years of friendship, simula grade 1 hanggang college kaso natapos na lang bigla. Ganun ganun niya na lang tinapos. Ang tanga ko kasi, sana pala hindi na ko umamin. Sana pala tinago ko na lang para di na siya lumayo at para di na ko mas nasasaktan ngayon.
~flashback~
"Jaz, ano problema? Ba't ka ganyan?" tanong niya sakin."Walang problema, Z." sagot ko.
"Wala? Nagagalit ka porket kasama ko si Camille kanina? Nagagalit ka kasi lagi ko siyang kasama? Nililigawan ko nga siya diba? Maging supportive ka naman, Jaz." sabi niya.
"Supportive naman ako ah? Sino bumili nung flowers nung Valentines? Sino gumawa nung banner na winagaygay mo nung may cheerleading competition siya? Sino yung gumagawa ng assignments mo sa tuwing wala kang time kasi nagpapatulong siya sa mga subjects niya? Sino nagiging driver niyo pag nagroroadtrip kayo? Sino yung nagpalaundry nung jersey mo dahil natapunan niya ng milkshake? Ako diba? Hindi pa pala ko supportive friend sa lagay na yon?" sabi ko.
"Maliit na bagay lang yung mga yun." sigaw niya. Napawow na lang ako.
"Hindi ko naman ginagawa yun para kay Camille. Ginagawa ko yun para sayo. Kasi gusto ko maging masaya ka, gusto kong maging kuntento ka, gusto ko magawa mo yung mga gusto mong gawin kasi mahal kita. Kasi gusto kita kaya kahit masakit lahat ng ginagawa ko para sayo, I endured it. Tiniis ko kahit masakit." sabi ko.
"M-mahal m-mo k-ko? B-bakit?" sabi niya.
"Di ko rin alam, Z. Sana nga hindi na lang." sabi ko at umalis na.
~end of flashback~
"Okay ka lang?" sabi ni Bea.
"Oo naman. Ba't naman hindi ako magiging okay?" sabi ko.
"Ha! Niloloko na naman po niya yung sarili niya." sabi niya.
"Nagtatanong ka pa, di ka rin pala maniniwala." sabi ko.
"Malay ko ba kung magsasabi ka na ng totoo ngayon. Tutal umamin ka naman na kay Z na mahal mo siya." sabi niya.
"Anong meron at nakabusangot yung mukha mo?" sabi ni Kuya Japs.
"Hay nako Japs! Ang kapatid mo mukhang nabasted." sabi ni Bea.
"Huwaw! Nilaglag ako sa kuya ko." sabi ko.
"Nino? Sino yon at nang maabangan namin ni Z sa labas mamaya." sabi ni Kuya.
"Ehem!"
"Babe! Anjan lang tubig sa harap mo di ka pa uminom. Masakit ba lalamunan mo? May sore throat ka ba? Punta kang clinic para matingnan ka nila. Ako na bahala dito kay Jaz." sabi ni Kuya kay Bea. Oo, magjowa sila at third wheel na naman ako.
*kring* *kring*
Mr. President
WhatsApp Audio...DECLINE | ACCEPT
"Ano meron Kei?"
(Punta daw tayo sa office ngayon.)
"Sino may sabi?"
(Si madame.)
"Cge. On my way."
*toot*
"Kuya, patake out mo na lang 'to tapos pauwi sa bahay." sabi ko.
"At bakit? Anong urgent yan?" sabi ni Kuya.
YOU ARE READING
Short stories compilation
Genç KurguCompilation of short stories made by yours truly... And compilation of my imaginations :)))