Untitled pt. 3

4 0 0
                                    

Cloud's POV

Gabi na tas andami niya pang gagawin.

"Bababa ako sa convenience store, may gusto ka?" Sabi ko.

"Wala naman." Sabi niya. Kinuha ko yung key card na isa tapos bumaba na ko para bumili ng midnight snack at ng kape para sa kanya. Gusto ko sana siyang tulungan sa inaaral niya kaso mukhang mas mauuna ko malutang kesa sa kanya kaya bibilan ko na lang siya ng snacks saka kape. Naglagay ako sa basket ko ng noodles, sandwiches, sausages, yogurt drink, milk, energy drink, at syempre ng kape at chocolate kase pampahyper daw yun. Yun nga lang di ko alam kung mahilig ba siya sa maanghang?

WHATSAPP
Ravs

Pards, mahilig ba sa maanghang si Ysa?

"Baket?"

Andito kase ako sa convenience store. Busy kase siya sa taas, maraming inaaral tas dami pang pinapagawa ng school.

"Ahh concerned. Di siya mahilig sa maanghang. Ang alam ko sa wasabi lang yung kinakain niyang maanghang."

Ahh okay thanks. Pano mo nga pala nalaman yun?

"Katabi ko bestfriend niya."

Oo nga pala, bestfriend niya na jowa mo din. Okay thanks.

Bumili na ko ng pagkain at drinks namin tapos umakyat na rin ako sa room namin. Baka makatulog yun bigla, sayang noodles. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko siyang humikab. Lumapit ako sa kanya para ibigay yung kape saka noodles.

"Para kanino 'to? Sayo?" Tanong niya.

"Sayo. Meron pa ko dito. Di ko alam kung ano iniinom mo para magising ka, pero eto binili ko para sayo." sabi ko tapos nilagay ko sa table yung mga drinks.

"Umiinom ka ng gatas saka yogurt?" Tanong niya.

"Minsan. Bakit?" Sagot ko.

"Lactose intolerant ako." Sabi niya.

"Ow. Sorry di ko alam." Sabi ko. Etong si Ravs di naman sinabi sakin.

"Hindi okay lang. Di mo naman alam." Sabi niya.

"Pano mo nalamang di ako masyadong fan ng spicy?" Tanong niya. Habang nilalapag yung mga binili ko sa table na gamit niya.

"Chinat ko si Ravs." Sabi ko.

"Yung jowa ni Ayesha?" Sabi niya.

"Oo hahaha small world no?" Sabi ko. Tumawa lang siya. Kumain na kami tapos niligpit ko na yung pinagkainan namin. Ako na nagvolunteer kase busy nga siya.

"Thanks." Sabi niya.

"Wala yun. Cge aral ka na ulit." Sabi ko. Tinago ko na yung milk at yogurt drink sa mini ref dito sa room. At humiga na ko sa kama ko.

Ysa's POV

Mga 4am na ko natapos sa inaaaral ko tapos natulog na ko agad kase aalis kami ng mga 1pm saka may meeting pa ng 10am. Ang hirap pag sumabay yung pag-aaral sa travel.

Cloud's POV

Naalimpungatan ako ng mga 4am, si Ysa naman nagliligpit na ng mga gamit niya. Sabi niya hanggang 12mn - 1am lang siya grabe namang pag-aaral yun. Pinatay ko yung alarm ko ng 6am kase baka magising siya. Pagkapatay ko ng alarm ko, natulog ulit ako.

Nagising ako ng mga 8am tapos ginising ko na siya kase magbreakfast pa kami sa baba saka may meeting pa siya ng 10am. Sinabi kasi sakin kagabi ni Ravs na di daw pinayagan si Ayesha na umattend nung meeting. Sabi daw nung dean nila, kahit daw video call na lang kase importante yung meeting na yun saka exclusive lang talaga for presidents. Nakita kong may sticky note na nakadikit sa phone ko.

Short stories compilationWhere stories live. Discover now