"Nasagot na yung tanong mo." Sabi niya.
"Ahh yung ba't di ka nagbanda? Sayang naman." Sabi ko.
"Ginawa ko na lang hobby." Sabi niya.
"San mo pa gusto pumunta?" Tanong ko.
"Ikaw? San mo pa gusto pumunta? Lumabas tayo para sayo. Di naman para sakin." Sabi niya. Ay oo nga! Nagaaral siya! Ba't ba ko nagaya kumain sa labas, eh pwede namang sa hotel na lang. Hay nako, Cloud! Sayang oras niya.
"Kung nagsisisi ka na lumabas tayo para kumain kasi sayang yung oras, wag mong sisihin sarili mo. Sulitin na lang natin 'tong araw na 'to." Sabi niya.
"Tapos ano? Matutulog ka na naman ng 4am kasi sobrang dami mong tatapusin. Wag na, tara na sa hotel at mag-aral ka na dun." Sabi ko.
"Grabe ka! Sayang punta dito sa korea kung ganyan ka." Sabi niya.
"Eh kesa naman magkasakit ka pa dahil kulang ka sa tulog tapos ginala mo pa." Sabi ko.
"Okay lang ako hahahaha wala naman akong sakit kaya okay lang na gumala ako kahit kulang sa tulog." Sabi niya.
"Sayo okay yon, sakin hindi. Kaya tara na kasi may ipapasa ka pa mamaya na activity mo." Sabi ko.
"Tapos na ho. Naipasa ko na kanina after nung meeting." Sabi niya.
"Kahit na." Sabi ko habang hinahatak ko siya papuntang parking.
"Hanap tayong Cafe." Sabi niya.
"May Cafe malapit sa hotel." Sabi ko.
"Hay nako Cloud! Sayang oras natin dito kung hindi tayo maggagala." Sabi niya. Nakatayo na kami kung san nakapark yung kotse.
"Pwede naman tayo gumala bukas. Ipahinga mo muna yung katawan mo. Saka kulang ka pa sa tulog. Kaya pumasok ka na at pupunta na tayong hotel." Sabi ko sa kanya habang pinipilit ko siyang pumasok ng kotse. Wala siyang nagawa kundi pumasok ng kotse. Habang bumibiyahe kami, kumakanta siya.
"Ano yung kinakanta mo?" Tanong ko.
"I am me by GOT7. Bakit? Pangit ba boses ko?" Sabi niya.
"Hindi hahaha ang fluent mo kasi sa Korean language." Sabi ko.
"KPOP fan hahaha I'll change the song, wait." Sabi niya.
"No. Wag hahahaha it's good naman. And hindi pangit boses mo." Sabi ko.
"Ahh hahahaha thanks." Sabi niya. Kumakanta lang siya habang papunta kami sa cafe near the hotel. Nang makarating na kami, pumasok na kami sa loob ng cafe para umorder. Ang ganda pala ng ambiance dito. Habang umoorder siya, I took a picture of her.
"Do you want pastries?" Tanong niya.
"Cinnamon will be fine." Sabi ko. Then umorder na siya. Kinuha ko na yung order namin tapos umupo na kami sa may couch. Busy siya sa phone niya kaya hindi niya napapansin na pinipicturan ko siya. Ugh she's so beautiful. I changed my home screen with her picture. Hindi naman niya makikita yun so safe ako😂
Nagkwentuhan kami about sa music, books, paintings, at kung ano ano pa. After namin maubos yung food, tumayo na kami para umuwi kasi may gagawin pa siya. Pagbalik namin sa room, binaba niya lang yung bag niya at inopen na agad yung laptop niya. Maya maya naririnig kong may kausap siya.
(Kakauwi niyo lang?)
"Yeah. Actually dapat mamaya pa kami uuwi kaso may gagawin pa ko kaya maaga kami umuwi."
YOU ARE READING
Short stories compilation
Novela JuvenilCompilation of short stories made by yours truly... And compilation of my imaginations :)))