Cassidy Elyse' POV
So totoo nga nag sinabi niyang monday magkikita kami sa cofee shop. Nagulat nalang ako nang may nagpatanong ng libro sa lamesa ko.
Pag angat ko, may isang diyos na nakatingin sakin. Fuck ampogi talaga neto. Naka-casual na siya ngayon.
"Hi! Bat ka andito?"
"Is this your place?"
Ay ang sunget naman.
In the end nasa isang table kami ni Dane. At nag aaral. Chill lang. Bumili pa siya ng blueberry cheesecake na dalawa. Konswelo daw.
Nakakahiya naman daw makishare ng table sakin. Sus! Table lang? I want to share my life with you nga eh! Charot.
Around 7pm he decided to ask me out to eat dinner. Date ba to? Sabi na nga ba crush ako neto. Pabebe pa noong umpisa.
"What do you want to eat?" He suddenly asked habang nagliligpit ng gamit.
"Huh? Ikaw" Wala sa sarili kong sagot.
"What?" Napatigil siya at tinaasan ako ng kilay.
"Ay gago! Sabi ko ikaw bahala!"
Nagulantang ako shet! Baka isipin minamanyak ko siya! Hindi no! Saka na asawahin ko muna.
"Tsk. Tsk. Follow me" He said and he start walking.
Ambastos umalis na agad eh kitang di pa ko tapos. Kaya in the end, tinambak ko nalang ang mga gamit ko sa bag bahala na.
Pumasok na siya sa sasakyan at ako din siyempre. Akala ko aalis kami pero nilagay niya lang pala yung gamit sa loob at umalis din.
"You stay there? There's no food in my car" He said at naglakad papaalis.
At ako naman si tanga o edi habol naman sa kanya iniwan ko yung bag ko.
"Alam mo sis! Ang sunget mo! Hmp! Porket alam mong hahabulin kita" Pabulong kong sabi.
At ang bwiset tinawanan lang ako.
Habang naglalakad may naamoy akong mabango. Hinila ko siya at huminto kami sa gilid. Sa may bilihan ng pares! Shet masarap to!
"Pogi! Ganda! Halika upo ka! Kain kayo! Hoy! Cardo lumayas na nga kayo diyan at may customer ako" sabi ng babaeng nagtitinda
"Dito nalang tayo kumain promise! Masarap dito!" Sabi ko I clasp my both hands para may paawa effect.
He stared at me for a while and smiled a little before turning to Ale "Uh..Three servings.. po" sabi ng katabi ko.
"May kasama tayo?" Takang tanong ko.
"I'm starving to death already. I got two servings" He explained.
"Kaya pala nag-aamok ka kanina sa gilid. Ang daya dalawa sayo dapat dalawa din sakin. Hindi lang ikaw ang nagugutom sa pilipinas" sabi ko sa kanya.
"Nay! 4 na order mo na! Atchaka penge extra chili ha?" Sabi ko sa tindera bago umupo sa may table namin.
"Really huh?" He look at me with judging eyes. Kanina pa to eh. Kala niya nagjojoke ako.
"O bakit? Gulat ka? Ngayon ka lang nakakita ng babaeng maganda na kumakain sa gilid gilid?" I asked.
"You look like a spoiled brat. Honestly."
"Aba aba Ser! Wag kang judger! Baka magulat ka no! Suki ako sa mga ganito! Pag walang budget ? Siomai rice lang katapat o kaya 711 yung sisig nila 29 pesos lang yon. Pag walang wala? Calamares nalang hingi ka nalang ng madaming suka. Life hacks yon!" Sabi ko sa kanya with a proud smile.
BINABASA MO ANG
Dream Series 1: Irrevocably in Love With You
RomanceDream Series 1 tackles about how people struggle to chase their dreams. And a story about sacrificing for someone you love. Cassidy Elyse a third year law student decided to end her long-term relationship with Zachary Dane a 4th year med- student. _...