ILWY 8

4 0 0
                                    

Cassidy's POV

Hindi ako nakatulog sa text ni Dane sakin. 11am na pero dilat padin ang mata ko. Nagseselos ba siya? Andoon ba siya? Wait, si Harvey lang yon eh.

Atchaka wait, bat ba ko kinakabahan. Ano bang irereply ko don? Hays.

Kinabahan ako noong tumunog ang phone ko. I thought it was Dane pero unknown number.

+63906311...

Cas! Harvey to nakalimutan mo ata earphones mo? Asa car ko lol!

Hala! Wait! I had to checked my bag and he was right. My earphones is missing. I immediately save his number para organized.

Baka kasi kailangan in the future plus di ako sumasagot ng number lang. Malay ko bang prinaprank lang ako ako ng tita kong may bagong roaming number. Tsk.

To: Harvey Castillo

Hala! Shep! Oo nga huhu. San ka now? Ako nalang punta. Send loc.

From: Harvey Castillo

"SM San Lazaro. SB Upper Ground Floor. Left Side. Wearing Blue shirt. Okay na ssob?

Hindi din to natulog?

To: Harvey Castillo

"Okay. 30 mins"

Dali dali akong naligo. I'm wearing white croptop with a minimalist print "breathe" and black tattered shorts and white shoes. Nagdala na din ako ng mustard colored tote bag baka mag-grocery din ako ng kaonti.

I arrived in SM in no time dumiretso na agad ako sa SB para makuha yung earphones ko kay Harvey. Madali ko din siyang nahanap kasi konti lang tao. I ordered coffee kasi inaantok ako bago pumunta sa table niya.

"Uy sorry Harvey! Abala pa to. Antok na antok na kasi ako kanina di ko napansin." sabi ko sa kanya habang umupo sa tapat niya.

"No. Problem! Tambay lang din ako dito habang gumagawa ng paper for masterals"

"Thank you talaga! You're the best. Baka pag si Triatan yon di na ibalik! Buraot yon eh!" I joked.

"Always. Haha. Hindi na talaga ibabalik non! sasabihin non 'Hulog ng langit, ako gagamit'"

I stayed for a while just to finished my drink. And a little chitchat. Harvey is taking MBA in Lasalle. No girlfriend.

Medyo seryoso sa buhay kasi siya magmamana ng trucking business nila. Only child eh so no choice.

Paglingon ko sa labas, I saw a familiar face. Nanlamig agad ako. Gosh. Dane was standing on the railings ng mall eating his waffle. He's looking at me. No, more likely he's looking at us.

Parang ansama ng tingin. He even rolled his eyes when he saw that I'm looking at him. Hala! I'm scared.

"Uy Harvs! Alis na ko! Hehe mag grogrocery pa ko! Byeee!"

Hindi ko na hinintay na magpaalam siya. I immediately went to Dane. When he saw me, he started to walking away.

"Uy Dane! Huy! Ang peymus naman oh!"

I started to follow him and called his attention but time of the month niya ata. Iritado si koya. Muka tuloy kaming jowang nag-aaway sa mall.

Dream Series 1: Irrevocably in Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon