ILWY 6

7 0 0
                                    

Cassidy Elyse' POV

Monday study date pero study lang talaga with Dane became a habit. 1pm ako pupunta sa coffee shop while siya pagkatapos ng klase niya around 4pm.

Mag-aaral kaming sabay then magdidinner after non puntang church and hahatid akong dorm.

Naging comfortable na ko sa kanya. Ang dami ko din natutunan sa kanya. He's like a walking encyclopedia. But if you ask me kung ano kami? Well, I don't know.

Minsan mabait pero madalas masungit at sarcastic.  Halos 1 month na namin ginagawa to.

Nag-aaya sila Maxine next Saturday di ko alam kung anong meron pero dahil promise ko di ko na sila iindianin, sabi ko 'G' ako, sa Tomas Morato lang naman.

Today is saturday and I'm here at the coffee shop to study with Dane, next week na kasi ang first pre-board exam ko, siya naman may prelims and practical examination daw.

Natatakot nga kong kasama to eh. Minsan hinahawakan nalang yung kamay ko o kaya ulo ko tapos pinopoint kung ano anong medical terms. Buti nalang di pa ko kinukuhanan ng dugo o kaya yung skin test. Pero okay na din hihi chansing. Lambot kaya ng kamay neto.

We're on the same table. Actually kaninang 7am pa kami andito. Nag-quick lunch lang kami kanina sa Mcdo then bumalik din kami agad sa coffee shop kasi iniwan namin mga gamit sa table.

Well sino namang magkakainteres sa med books at accounting books diba?

Nagsspace out na ko kasi 9 hours ng gumagana utak ko pero itong lalaki sa harap ko sobrang focus. Gosh. Ampogi talaga ng kupal na to. Kahit may binubulong bulong siya habang nagmememorize.

Muka siyang may sanib pero pogi.

Napatingin ako sa kabilang table kasi sobrang iingay ng mga babae.

"Girl! Ampogi! Picturean mo ko dali kasama dapat siya! Wag pahalata ah" one girl said.

Wow ha wag pahalata eh kire ka ng kire diyan. Hmp.

"Wait girl! May kasamang siyang babae! Girlfriend ata" Other girl told to her friend.

"Okay lang yan. Feel ko kapatid niya lang"

I can't help but to roll my eyes. Muka ba kong kapatid neto? Hmp. Itong lalaki naman na to, parang walang pakialam sa mundo.

Kahit san kami magpunta nagugulat nalang ako, akala ko pinagtitinginan ako yun pala siya tinitignan. Hays! hirap maging maganda este may kasamang diyos. Sarap titigan buong araw.

"Do we have a problem?" Dane asked.

"Ah wala! Sumasakit na batok ko kakabasa ng ObliCon daming cases" I said as an excuse.

"Then rest for a bit. You want something?" He asked.

"Wala naman, dami mong highlighters no? Para kang nagcocoloring book? Tapos kailangan nakaruler? OC ka no?" I asked to divert the topic baka isipin niya pinagnanasahan ko siya pero slight lang naman.

Di ko pa naman siya sasakmalin agad HAHAHA. Amp.

He laughed at me and grasp all of his highlighters.

"Yellow for any terms and meaning, Blue for something you need to memorize, Green for something that need for further clarifications, Pink for important notes, Orange for examples, Pastel colors for the discussions- pastel yellow for illustrations, pastel pink for theories and last pastel green for practical. Okay na? What do you think of me? kindergarten?" He rolled his eyes after.

Fudgeee ampogi niya talaga. Bilib na ko sa self-control ko.

"Woah so organized! Doc! Lodi ng taon! Gagayahin din kita" Huh! Bukas na bukas uubusin ko lahat ng colors sa NBS. One color for each problem. Charot.

Dream Series 1: Irrevocably in Love With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon