(6)

9 0 0
                                    

(Scar's POV)

Day after nung kiss sa car.

Hanggan ngayon di ako makapaniwala na hinalikan ko ulit siya. Shhhhttt scar ano ba tong ginawa mo!! Bilis mabasag ng pader mo. Sinasabunutan ko ang sarili ko.

Je:"Nababaliw ka na din sakin?"

S:"Mananahimik ka o dadalhin kita sa mental ngayon din?"

Je:"I will shut the f off."

S:"Je anong gagawin ko? May nagawa akong kasalanan sa sarili ko."

Je:"Scar? Di ganyan pagkakakilala ko sayo! Bakit ka ganyan ha!? Sino ama!?

S:"wag kang OA. Di ako buntis, kasi ganito yun. Yung lalaki kahapon, yung accreditor?"

Je:"kuya mo ba yun?"

S:"-.-"

Je:"continue"

S:"Yun yung ex ko... Or something na malapit na sa Ex.

Je:"MU kayo dati? Mga kabataan nga ngayon, nahuhumaling sa ganyan, sasabihin ayaw ng commitment kesyo ayaw masakal kaya nagsesettle sa MU, mutual understanding pero ang di nila alam minsan Hindi naman mutual understanding. Sadyang maling ugnayan lang."

S:"wow je that's the most relevant thing you said ever."

Je:"che! Ang sakin lang bakit ka nag-assume? Mutual nga e. Hindi one sided."

S:"kasi akala ko...."

Je:"Ayan dyan tayo nagkakamali e. Sa akala, lahat ng namamatay dahil sa akala.. Akala ko gigising pa ko bukas, Akala ko di ako mahuhulog at Akala ko di ako maiinlove sakanya .. Which is the #1 cause of death. Chos!"

S:"kaso nainlove ako, at siya Hindi."

Je:"tumpok."

S:"Pero ginagawa namin lahat ng ginagawa ng magjowa kaya ang alam ko in love din siya sakin."

Je:"Ang magkakaibigan naman ginagawa lahat ng ginagawa ng magkakapatid pero di naman sila nagassume na magkadugo sila diba?"

Natahimik ako dun. Ngayon ko lang nakausap ng Matino si Jerome ng ganito.

S:"nung hinatid niya ako kahapon, nahalikan ko soya. Nabigla lang ako."

Je:"nabigla ka ba o ginusto mo din?"

S:"....."

Je:"Kung ginusto mo din Ibig sabihin may feelings ka pa."

S:"Ayoko na. Ayoko na magkafeelings sakanya."

Je:"Gutom nga di napipigilan feelings pa kaya. Ang sakin lang Scar, don't deny it to yourself."

S:"Magkakachance pa ba kami?"

Je:"2 things will happen, magkakachance kayo na matuloy yung dati.. Or mageexplain lang siya kung bakit iniwan ka nya dati tapos iiwan ka ulit niya."

S:"Pano ko malalaman kung anong mangyayari?"

Nagkibit balikat lang si Jerome. Kahit ako di ko alam yung gusto ko mangyari, Bahala na nga baka makaabala pa to sa pagaaral ko at trabaho ko mamaya sa Niña Mary's ..

Taste of his lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon