Chapter 02

14 0 0
                                    

Napakamot ako sa ulo ko dahil nagkamali ulit ako sa ginawa kong sketch. Alam ko naman'g hindi 'yon ganoon ka-importante para sa iba pero I'm really determined to finish designing my dream condo unit.

"Sol, you look like a mad woman." Pamimikon ni Liz. I rolled my eyes and shushed her as I continued to focus on my sketch.

"Why don't you just help me kesa mamikon, tutal ikaw naman ang mas magaling sa 'tin." Suhestiyon ko kaya tumabi siya sa 'kin kahit nasa kabilang dulo pa ng classroom ang upuan niya.

She snatched my sketch kaya napamura ako dahil muntik na 'yong mapunit.

"Lintik! Dahan-dahan naman, Liz!" Hinampas ko ang kaniyang balikat at umiwas siya dahil alam niyang lalakasan ko 'yon.

She looked at every part of the sketch kahit 'yung measures 'tsaka ang mga gusto kong ilagay na mga furniture.

She looked at me and placed the sketch on the table.

"Why don't you just design your dream house?" Tanong niya.

"Mas gusto ko studio o di kaya'y condo." Sagot ko at tinuon na ang pansin sa sketch. Mas madali naman kasi kapag sa condo kesa naman gumawa pa ng bahay.

"Don't you have any plans on having a family in the future?" Pagtataka ni Liz kaya nilingon ko siya and shook my head.

"Ha? HINDI NA BA MAGBABAGO ISIP MO?!" Pasigaw niya'ng tanong kaya napalingon sa 'min ang aming mga kaklase at nagtaka.

Nginitian ko na lang sila bago nilingon si Liz at hinampas ulit. "Tumahimik ka nga!"

Napa-ungol siya sa sakit ng hampas ko kaya binantaan ko pa ng isa. "Ang sakit mo naman manghampas. Leche!"

I rolled my eyes 'tsaka tinuon na lamang ang aking mata sa aking sketch.

"Hindi na ba talaga magbabago isip mo?" She asked again kaya nilingon ko ulit.

"There are thousands of possibilities that'll change my mind pero bakit ba? Does a woman like me need family in the future? I have you guys na." I rolled my eyes and shook my head and ignored Liz.

It's true though. I might change my mind because change is the only constant thing this world at bukas na bukas ako sa mga posibilidad. Hindi ko nga lang iniisip pa.

I'm still young 'tsaka I'm sticking with my decision as of now.

"Ang bitter mo pakinggan. Humingi ka na nga lang ng advice kay Krizelle, baka she could change your mind." I rolled my eyes again dramatically.

Krizelle really is one heck of a woman. Ang galing niya naman kasi sa mga advice. She's better than all of us dahil her words comes from experiences habang ako naman magaling lang talaga akong makinig.

"Hindi na nga lang ako hihingi ng tulong sayo. Nakaka-bwisit naman e." Padabog kong sinabi and ignored Liz.

"Okay, great! Just tell me if bahay na gusto mo, I'll gladly design it for you." She winked at me and I gave her a disgusted look bago siya umalis sa tabi ko at pumunta na sa pwesto niya dahil nandito na ang prof namin.

I kept my sketch and got my notes on Statistics at sinimulan ng makinig sa prof while jotting down notes and glaring at Liz dahil pinipikon niya ako kahit nasa kabila'ng dulo siya.

The whole afternoon went by and it's already five in the afternoon nang matapos namin ang tatlo'ng classes at nagkakaroon na 'ata ng digmaan sa mga tiyan namin.

"Liz, gutom na ako." Pinakita ko sa kaniya ang tiyan ko na sobrang flat dahil wala talaga'ng laman.

"Me too. Chat natin sila." She said kaya I got my phone sa bulsa ko at binuksan ang GC.

Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon