Natapos na kami sa huling subject kaya dali-dali akong lumabas dahil tatawag si Liz sa 'kin mamayang gabi.
I miss her.
She called me immediately after niya raw nagland sa Japan. She explained everything to me at agad kong naintindihan bakit siya umalis. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya, kaya nga ako lang ang may communication sa kaniya, she said she wanted to get updates about us pero secretly at naiintindihan ko.
Hindi pa raw siya sigurado kung kailan siya babalik at kung kailan siya magpapaliwanag sa kanila kaya hinayaan ko na lang rin. Gusto kong sabihin sa kanila dahil lagi silang nagtatanong sa 'kin, maliban kay Addi, kaso nga si Liz lang daw ang magsasabi.
Agad akong sumakay sa isang jeep papuntang MJ's dahil nagugutom ako at wala akong kasabay dahil nga busy sila dahil palapit na raw ang finals nila, sa 'min din pero sa sabado pa ako mag-aaral. Magaling ako sa cramming. Charot!
Pumunta ako sa isang mesa at agad na nilabas ang plates na ginagawa ko. Ipapasa na kasi bukas at nakalimutan kong tapusin kagabi dahil sa pagod, sa gabi kasi kami nagsimba ni Levin. Busy raw siya sa umaga at hapon kaya napilitan ako umalis sa gabi.
Biglang lumabas ang mga notifications sa phone ko nang ginamit ko ang data ko. Nakita kong nagstory si Levin sa IG. Hindi naman siya mahilig magstory ah, ilang linggo ko na siyang fino-follow at sina-stalk pero tatlo lang naman ang posts niya pero lagi ko naman'g tinitingnan.
Kumunot ang noo ko nang nakita ko ulit si Karyl, yung babae sa simbahan, sa story niya. She had a peace sign at nakasama si Levin na may kinakausap na bata. Naalala ko na may gagawin pala sila ngayon sa Church nila.
Biglang uminit ang dugo ko nang nakita ang naka-caption.
'@Kuhryl<3'
Hinampas ko ang mesa dahil sa inis kaya biglang nagulat si ate na nagtitinda pero hinayaan ko lang.
Heart? Ang kapal ba naman ng babaeng 'to? Sarap naman itapon sa basurahan, feeling close kay Levin 'tsaka ang kapal ba naman ng heart na 'yan. Bwisit na babae.
Wala akong pake kung church mate sila pero ang kapal niya naman para hiramin ang phone ni Levin at maglagay ng heart. 'Tsaka ba't ba 'to pumapayag si Levin? Mokong rin 'tong crush ko e! Kaya nga hindi pa rin ako nakakapag-move on dahil nagiging competitive ako kay Karyl e! Kapal talaga ng babaeng 'yon!
Akala niya ba na hindi pa rin kami bagay ni Levin? Pwes, magiging mas religious ako sa kaniya. Ako pa mauunang tumulong sa Church nila at isasali ko pa si Levin sa vlogs ko tutal marami naman'g nagc-comment na gusto nila makita ulit si Levin.
Akala mo kung sino kang bwisit ka!
Bigla akong nagulat dahil may umupo sa harap ko kaya kumunot ang noo ko.
"Trev?" Tanong ko at ngumiti naman siya kaya nagtaka ako. Bakit siya lang mag-isa? Usually kasama niya naman sila Wyatt at Zandro ah.
"Wala ka bang kasama?" Tanong ko at tumango naman siya."Sabay na nga lang tayo, naugutom ako dahil sa inis e." Inis kong sabi at agad tumayo para umorder pero agad akong pinigilan ni Trevor kaya nagtaka ako.
"Selfie muna tayo!" Excited niyang sabi pero pinagbigyan ko na lang dahil nailabas niya na ang phone niya at bukas na ang camera kaya wala na akong nagawa kundi lumapit sa kanya at ngumiti sa harap ng phone niya.
"Gutom na ako, mamaya na autograph mo." Inis kong sabi at tumawa naman si Trevor at sinabi kung anong order niya para ako na lang ang bumili para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)
RomanceDoes religion really matter when you're in love? That's what Solane asks herself. She's not a religious person but falling for one is either a good thing or not, but she believes it is, while Levin's ideal girl is the actual opposite of Solane. Are...