"You're confusing me more with your feelings, Solane."
Ano raw? Hindi ko naiintindihan ang sinabi ni Levin. Mag-iisang linggo ng occupied ang isip ko dahil sa sinabi niya, mag-iisang linggo na rin noong huli nami'ng kita sa Solar View.
Sa bahay ko na dapat 'to pinoproblema dahil Sabado e, kaso sabi ng prof namin may kailangan kami'ng gawin ngayon kaya ito napilitan akong mamroblema dito sa school.
Pagkatapos pa nga noon hindi niya na ako kinausap, hindi naman siya nagchachat at hindi rin kami nagkikita, wala naman'g rason e. Hindi nga ako sigurado kung magkaibigan kami, e gusto ko naman siya pero halatang hindi niya ako gusto at mas uunahin niya ang pag-aaral niya.
Ilang beses na nga rin'g pumasok sa isip ko na magpanggap na relihiyoso para lang plus ganda points kaso baka isipin niyang weirdo ako. Mas mabuti'ng hintayin ko na lang ulit ang pagkakataon na magkikita kami pero baka aabot pa ng isang taon 'to, sana nga lang meant to be kami.
"Para kang tanga, sa lalim ng iniisip mo naririnig ko na." Inis na sabi ni Liz habang naka-upo sa mesa ko.
"H-ha? Nasabi ko ba 'yon?" Kinakabahan kong tanong kaso tinawanan niya lang ako.
"Just share it tutal halata naman'g malalim iniisip mo e." Pagpipilit ni Liz at biglang lumapit si Owen, kaklase namin, mahilig rin sa chika.
"Uy, narinig ko 'yon." Pang-aasar niya sa 'kin pero inirapan ko lang at nag-doodle sa notes ko. Ayoko nga'ng sabihin baka ipagkalat pa neto, makakarating ulit kay Haidee o di kaya'y Debs.
"Owen! 'Lika update mo ang app icon ng IG ang cute! Pili ka dito dali!" Tawag ng isang kaklase ko kay Owen kaya nakahinga ako ng maluwag kundi baka hindi niya ako titigilan sa pag-intriga.
Maraming salamat talaga sa mga magulang niya dahil napakaliit ng attention span niya, makakalimutan niya rin ang narinig niya.
"Who's the lucky guy? Si Levin 'no?" Bulong ni Liz na may panunukso kaso inirapan ko lang at nagpatuloy sa pag-doodle. Nahahawa na rin 'to si Liz sa pagka-chismosa ni Haidee e, noon ang tahimik nito. Napailing ako.
"Tapusin mo plates mo 'tsaka anong lucky guy-lucky guy? Aral muna 'no!" Depensa ko. Half-true naman pero hindi naman masamang pagsabayin ko diba? Nag-aaral naman ako 'no!
"Kagabi ko pa ginawa, tanga. Kwento ka mamaya ha." Pagbabanta niya at agad na nagscroll sa phone niya. Kumunot ang noo ko. Uuwi naman ako mamaya ng maaga, saan na naman ba 'tong gala nila.
"Walang mamaya 'no. Nakakapagod gumala." Inis kong sabi. Gusto kong sumama at baka mailabas ko pa 'tong frustration ko dahil sa kakaisip sa sinabi ni Levin.
"Wala kang magagawa. University Week nila Raven kaya namilit si Haidee na sumama tayo libre niya raw tayo sa Portico." Ani ni Liz pero nakatuon ang atensyon sa phone na para bang may nakuha ang interes niya.
"HA?!" Nagulat si Liz sa sigaw ko kaya napalingon din ang mga kaklase namin kaya nahiya ako at agad na humingi ng paumanhin.
Lintik! Pareho lang ng university si Levin at Raven ah! Magkikita na ba kami nito? Hindi pa 'ata ako handa. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. Dapat bang magpanggap ako na parang hindi ko narinig sinabi niya? Tutal binulong niya naman 'yon.
Sige na nga, hindi ko na lang 'yon papansin ang sinabi niya kahit mas lumalim ang mga iniisip ko dahil doon.
"World War III 'ata makikita ko mamaya, 'wag mo nang agawin crush ni Haidee." Walang interes na sabi ni Liz kaya umirap ako. Hindi naman talaga ako ganoon ka-interesado kay Raven, pogi naman siya pero loyal ako kay Levin 'no! Charot!
BINABASA MO ANG
Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)
RomanceDoes religion really matter when you're in love? That's what Solane asks herself. She's not a religious person but falling for one is either a good thing or not, but she believes it is, while Levin's ideal girl is the actual opposite of Solane. Are...