Umalis siya sa tabi ng pinto at dumiretso sa driver's seat habang ngumiti naman ako na parang nanalo sa lotto.
Nagsitilian ulit sila Trevor nang napansin nila ang pagsakay ko sa sasakyan ni Levin. I rolled my eyes at them nang binuksan ulit nila ang bintana ng sasakyan nila at bumusina bago umalis habang kumakaway lang ako na nasa loob ng sasakyan ni Levin.
I stifled my smile nang nakaalis na sila at sinara ko na rin ang bintana ng sasakyan ni Levin bago ko siya sinulyapan dahil tahimik lang siya.
He was busy scrolling through his phone o di kaya'y may ka-chat. Hindi niya ba ako papansinin na andito naman ako ah? Inuuna pa ang cellphone niya. Ang sarap naman'g itapon.
Hindi naman marunong maki-socialize 'tong si Levin e. Sa mga kaibigan niya lang siya ngumingiti. Sinusungitan pa nga ako.
"Hindi pa ba tayo aalis?" Pabulong kong tanong habang nililibot ang paningin sa buong sasakyan niya.
Ang linis naman dito. Walang kalat ni isa. Parang papatayin ka niya kapag nagkalat ka o di kaya'y may ginalaw sa mga gamit.
I glanced at the vanity mirror na nakabukas and saw family photo. It was taken 'ata noon bata pa si Levin dahil maliit pa siya sa litrato atsaka ang kaniyang kapatid.
I glanced at him and saw that he was still busy on his phone. Mukhang may kailangan pa talaga siyang gawin.
I secretly took out my phone and took a photo of their family picture na nasa vanity mirror. Muntik ko ng makalimutan ang flash buti na lang na-off ko kaagad and silently took the photo.
Dali-dali kong in-edit ang photo at crinop ang family ni Levin kaya ang cute niya na version na lang ang naiwan kaya ginawa ko iyong lock screen and immediately turned off my phone.
I cleared my throat habang nakatuon ang mata ko sa harap pero naramdaman ko ang ang tingin ni Levin sa 'kin.
"Are you in a hurry?" Tamada niyang tanong 'tsaka tinuon na ulit ang atensyon sa cellphone.
I looked at him then smiled and shook my head.
"Umalis na ba sila?" Tanong niya kaya tumango ako at may ngiti pa rin sa mukha.
Akala ko masisira talaga araw ko ngayon dahil hindi ako ihahatid ng crush ko e. Buti nga naawa pa siya e.
"Baba." Utos niya kaya biglang nawala ang ngiti sa mukha ko at biglang natigilan.
Ano raw? Tama ba narinig ko? Pinapaalis niya ako sa sasakyan niya? Wala naman 'ata akong ginawa ah! Ang arte lang talaga netong Levin na 'to. Hindi naman ako madumi. Bwiset.
"Huh?" Tanong ko kaya nilingon niya ako at in-unlock ang sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)
RomanceDoes religion really matter when you're in love? That's what Solane asks herself. She's not a religious person but falling for one is either a good thing or not, but she believes it is, while Levin's ideal girl is the actual opposite of Solane. Are...