Chapter 04

8 0 0
                                    

Buong umaga akong naglinis sa kwarto ko dahil gumawa ako ng plates buong magdamag at wala pa akong tulog. Hindi naman kasi ako katulad ni Liz na sobrang taba ng utak at madaming naiisip na disenyo. 

Minsan pa nga kailangan kong pumunta ng downtown dahil puno iyon ng mga iba't-ibang disenyo ng buildings kaya nakapag-iisip ako o di kaya'y sa vilage ni Mabelle ako tumatambay kasama si Addi o di kaya'y nakikitambay sa napakagandang bahay ni Mabelle.

"Sol, kain na sa ibaba. Aalis na ako may trabaho pa ako sa opisina at nauna na sa site ang tatay mo." Pagtawag ni mama sa 'kin sa labas lang ng pinto ko habang tinatapos ko na ang pagpulot ng mga kalat.

"Opo, ma." Tamad kong sagot at lumabas na sa kwarto ko dala-dala ang mga kalat.

Nakasuot lamang ako ng spaghetti na pang-itaas 'tsaka pajama sa ibaba dahil hindi naman ako kasing sosyal nila Liz kahit nasa bahay lang sila e. Silk pa nga 'ata mga sinusuot noon e.

Tinapon  ko sa basurahan sa labas ang dala-dala kong plastik at nakita ko si mama na nasa labas pa at may kinakausap. Sinulyapan ko ang lalaki at nakita may dala siyang package kaya napilitan akong lumapit doon at natigilan nang nakita ang inorder ko sa shopee na ring light.

"Ma! Akin po 'yan!" Dali-dali kong tawag kay mama kaya napalingon siya sa 'kin na nakakunot ang noo.

"Ano na naman ba 'tong pinambibili mo, Sol? Wala tayong pera para mabayaran 'yan ang mahal-mahal niyan! 'Tsaka saan ka ba kumukuha ng perang bata ka ha?!" Napakamot ako sa aking ulo dahil nahiya rin ako sa kuya'ng taga-deliver lang naman ng parcels.

"Nag-ipon po ako ma." Pabulong kong sabi dahil hiyang-hiya na talaga akong masermonan sa harap ni kuya na nakatingin lang sa 'min mag-ina.

"Walang silbi binibili mo'ng bata ka! Mas mabuting mag-ipon ka para sa kinabukasan mo! Matanda na kami ng tatay mo, anak. Maawa ka naman." Napasinghap si mama bago ako iniwan sa harap ng kuya na nagdeliver at tahimik lang siya.

Karapatan ko naman 'atang bilhin 'to dahil ilang buwan ako nag-ipon para dito 'no! 'Tsaka may silbi naman ang binibili ko, para nga 'to sa youtube channel ko at dahil may naisip na rin ako na content kaya mas mabuting maganda ang lighting 'no 'tsaka hindi ko sinasayang pera ko 'no, scholar pa nga ako e, kaya nga kailangan kong maging DL.

"Ma'am, kailangan niyo pa rin ho bayaran ang order niyo kahit mahirap kayo." Napasinghap ako sa sinabi ni kuya at tinarayan siya.

"Kuya, matipid si mama hindi kami mahirap 'no! 'Tsaka mababayaran ko 'yan!" Padabog kong sabi at agad-agad pumasok sa bahay para kunin ang wallet ko na nasa kwarto ko at bumaba na rin agad dala-dala ang saktong pera dahil nakakatamad maghintay ng change kay kuya.

Kinuha ko ang order ko bago pinirmahan ang papel na dalawa ni kuya at tinarayan siya bago pumasok sa bahay at buksan ang binili ko at i-set up sa kwarto ko.

Napangiti ako nang gumana na ang ring light na nabili ko at naisipang kumuha ng pictures para i-send sa GC namin at ipasikat kay Addi since hindi pa raw dumadating ang ring light na binili rin niya at mas pinainit ko lalo ang ulo niya nang ipinaalala ko sa kaniya ang nangyari noong isang araw.

After flexing sa GC kay Addi, naligo na ako ng mabilisan at nagbihis ng casual lang na outfit dahil tatambay lang ako sa village nila Bel, doon lang naman sa tuktok ng village nila dahil nasa hill sila e. Bibisitahin ko nga lang muna siya dahil na-miss ko na si lola Mabelia. 

Biglang pumasok sa isip ko na i-vlog ang araw na 'to dahil gusto ko ipakita ang magandang view na pinupuntaha ko 'tsaka ang gagawin ko na rin buong araw o di kaya'y magfi-film ako bukas para may maidagdag na clip.

Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon