Chapter 07

5 0 0
                                    

Shit.


Agad akong napaungol dahil sa sakit ng ulo ko. Ano bang nagyari kagabi? Tinamaan ba talaga ako? Wala naman 'ata akong ininom na madami a, 'tsaka-


Shit!


Bigla akong napatayo sa aking higaan dahil sa naalala. Nagkaroon kami ng away ni Addi kagabi pagkatapos noon umulan 'ata ng malakas, hindi ko alam bakit nasa shed ako ng school kagabi. Hindi ko alam bakit nasa bahay na ako ngayon? May humatid ba sa 'kin? Wala naman akong maalala ah. Tinamaan nga 'ata talaga ako.


Dahan-dahan kong kinuha ang towel ko para maligo dahil gusto kong pumunta kela Bel, baka matulungan niya ako at baka nandoon rin si Addi, pwede kami'ng mag-usap. Ako na ang mauunang hihingi n tawad tutal ako naman talaga ang mali sa una, base sa alaala ko kagabi.


Tiningnan ko ang phone ko na hindi ko na-charge kagabi kaya ch-in-arge ko ngayon para magamit mamaya bago pumasok sa banyo para maligo na.


Natapos na akong maligo kaya lumabas na ako sa banyo at nagbihis. Nagsuot ako ng jeans at beige-colored cardigan sa labas ng white spaghetti strap ko, mukhang uulan kasi e 'tsaka uuwi naman ako agad dahil tatapusin ko pa ang plates ko na due bukas.


Alas dos na ng tanghali at wala pa akong nakain ngayong araw kaya baka pwedeng kela Bel na lang rin ako makikikain. Tahimik ako lumabas ng kwarto ko para umalis na dala-dala ang  handbag ko at wallet dahil magco-commute lang naman ako ngayon.


Natanaw ko si Mama sa kusina na nagluluto at si Papa naman nasa sala nanonood ng TV. Nilingon ako ni Mama at agad na nilagay ang kamay sa noo ko kaya nagulat ako.


"Masakit pa ba ulo mo?" Kumunot ang noo ko at agad na umiling.


Agad akong napasigaw dahil sa sakit ng hampas ni Mama sa likod ko."Buti na lang hinatid ka ng kaibigan mo kagabi! Kundi naligo ka na talaga sa ulan! Mamamatay ako ng maaga dahil sa 'yo!" Agad na napahawak si Mama sa kaniyang noo at lumapit naman kaagad si Papa.


Hinatid 'ata ako ni Debs at Liz pauwi tulad ng sabi nila pero hindi ko na maalala na naligo ako sa ulan.


"Saan ka na naman ba pupunta?" Nagaalalang tanong ni Mama.


"Ah, kakausapin ko lang si Addi dahil nag-away kami." Pabulong ko na sabi pero narinig ni Mama.


"Umuwi ka agad kundi malilintikan ka sa 'min ng Papa mo! Baka may jowa ka ha, siguraduhin mo lang na ga-graduate ka." Banta ni Mama kaya naman nagtaka ako. Hindi rin 'ata ako informed na may pake si Mama sa lovelife ko.


Titigilan ko na nga ang pagkakagusto ko kay Levin dahil baka mag-away pa kami dahil sa mga lalaki at dahil gusto ko munang unahin ang sarili ko dahil magiging hypocrite ako sa sinabi ko kay Addi. Mas matanda pa naman ako sa kaniya ng isang taon.


"O-opo." Nauutal kong sagot kay Mama at nag-peace sign kay Papa na umiling lang at ngumiti.


"May binili ka naman 'ata sa internet ha!" Inis ulit na sabi ni Mama at sinubukan akong hampasin pero umilag ako."Ikaw magbabayad niyan!" Dagdag ni Mama bago pumasok sa kwarto nila at sumunod naman si Papa.

Our Films of Yesterday (L' Amour Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon