Chapter 1- Jasmine

66 6 2
                                    

        “Bakit?” Sinagot ko ang tawag habang pinasadahan ko nang tingin si Aleng Lilang na naglapag ng pares sa table ko.

        “’Nasa school na ako, tiningnan ko ang list ng students and sections sa bulletin board—” Magiliw na ani nang bestfriend ko na si Sofia “ —and guess what!?” Nailayo ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa biglaan niyang pagsigaw.

        “What?” Walang buhay kong tanong sa kanya.

        “Magkaklase tayo sa isang subject Girl! Ang saya diba!”

        “Anong masaya do’n?” Tanong ko sa kanya.

        “Panira ka talaga nang araw tse! Basta mamaya bigyan mo ako ng mga chocolates. Bye!”

        Pikon!

        Palihim akong napangiti habang tinitingnan ko ang aking cellphone. Na miss ko kasi ang armalite na bunganga nang bestfriend ko. Isang buwan din kaming hindi nagkita. Sa Korea ko kasi napiling mag bakasyon, at ngayong pasukan na naman ulit. Maririnig ko na naman ang mala-megaphone niyang bunganga.

        Napatingin ako sa’king harapan nang maramdaman ko ang papalapit na hakbang ni Aleng Lilang papunta sa akin. Humigop muna ako ng sabaw bago ako tumingala sa kanya. Ginawaran niya ako nang pilyong ngiti at ang paraan nang pagtingin niya sa akin ay animo’y nang-aasar.

       “Ano?” Kunot noo kong tanong sa kanya. Pero Imbis na sagutin niya ako’y bigla nalang may inilahad siya sa akin at sinundan ko naman nang tingin ang kanyang kamay. Isa itong box na maliit na kulay itim at may ribbon sa taas. Tinitigan ko muna ito bago ako tumingin sa kanya ulit.

      “Pinapabigay nang anak kong lalaki. Magagalit talaga ako kapag hindi mo ito kinuha.” Hindi ako nakaimik dahil sa biglaan niyang hila sa aking kamay. Kaya wala na akong nagawa nang tuluyan na niyang nabigay ang maliit na box sa akin. Napalingon ako sa pintuan nang kusina nila Aleng Lilang nang mapansin ko ang lalaking sumisilip sa’min at agad naman itong nagtago no’ng nagtama ang paningin naming dalawa. Napailing nalang ako at tiningnan ulit ang box saka ko inilagay sa aking bulsa.

        “Kaya gustong-gusto ko na andito ka dumarami din ang mga customer ko.” Aniya habang nililibot niya ang kanyang paningin sa buong kalenderya.

        Pinasadahan ko din nang tingin ang buong paligid. Napa-buntong hininga nalang ako nang makita ang ibig sabihin ni Aleng Lilang. Pansin ko ang mga palihim na tingin nang mga kalalakihan sa akin. Alam kasi nila na dito ako kumakain minsan. Na ikwento din sa akin ni Aleng Lilang noon ang napapadalas na pagpunta nang mga lalaking may lihim  na pagtingin sa akin upang ako ay masilayan.

        Minsan ay nag rereklamo na siya akin si kadahilanang napapagod ito agad pag andito ako. Pero ‘di ko naman iyon sineseryoso dahil biro lang naman ang pagkakasabi niya nito. Pero deep inside alam kong  nagpapasalamat ito sa akin dahil sa presensya ko.  Naikwento din niya kasi sa akin ang agarang pagkaubos  ng kanyang paninda pag pumupunta ako dito.

        Malapit sa pamilya namin si Aleng Lilang. Siya na din ang itinuturing kong pangalawang magulang. Siya kasi ang nag-aalaga sa akin noong maliit pa lamang ako. Lalo na kapag wala si Mama sa bahay. Dito din ako kumakain sa kalenderya niya kapag walang hinandang pagkain si Mama dahil sa pagmamadaling pagpasok sa trabaho.

        “Huwag mo ‘yang itatapon, magtatampo talaga ako kapag ginawa mo ‘yon.” Banta niya sa akin.

        “Oo na!.”Pilit kong sagot sa kanya, saka ako tumayo at pinasadahan ng tingin ang relo ni Aling Lilang na nakalagay sa ding-ding. Tapos na kasi akong kumain at may isang oras pa ako para pumunta sa school.  Nagpaalam muna ako sa kay Aling Lilang bago ako humakbang papunta sa aking bisikleta. Pansin ko ang pagsunod ng mga  tingin ng mga kalalakihahan sa akin. Sanay na ako sa mga ginagawa nito kaya ‘di ko nalang sila binibigyan nang pansin.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon