Chapter 3 - Reprisal Party

30 4 0
                                    

        Sabado ngayon at mamayang gabi na ang party na sinasabi sa akin ni Troy. Alam kong magiging maganda ang araw na ito kaya agad akong nagchat kay Sofia para papuntahin siya dito. Sinabi ko kay Mama ang pagdating nila ni Sofia kaya naghanda mo na siya nang aming makakain bago siya umalis papuntang trabaho.

        Makaraan nang ilang minutong paghihintay ay may bumisina sa tapat nang aming bahay. Agad akong bumaba at binuksan ang pintuan nang aming bahay. Pagbukas ko ay nasa harapan ko na siya at si Avery. Tinanong ko siya kung bakit niya ito sinama.

        “She is one of our friends right now, so kung may girls bonding tayo dapat kasama din siya.” Sabi niya sa akin saka nilipat ang kanyang tingin kay Avery na nakayuko lang. I wonder kung hindi ba nangangalay ang kanyang leeg sa kakayuko. “ Diba Avery?” dagdag nito.

        Marahan namang tumingala si Avery saka tumango. Siniko ako ni Sofia at marahan akong itinulak paalis sa pintuan. Kaya wala na akong nagawa no’ng pagpasok nila. Dumiretso sila sa aking kwarto na akala mo ay pagmamayari nila ang bahay na ito. Sinarado ko nalang ang pintuan ng aming bahay saka ako sumunod sa kanila.

        “Okay, so kwento muna sa amin.” Tanong nito agad sa akin nang pagkarating ko sa loob ng kwarto.

        “Sa inyo?” Tanong ko sa kanya. Hindi ko masyadong kakilala si Avery, kaya hindi ako komportable na ibahagi sa kanya ang kwento ko.

        Napansin ata ni Avery ang pagiging awkward ko sa kanya kaya agad itong tumayo. “Aalis na muna ako para makapag-usap kayo.”  Sabi niya sa amin.

        “No! Stay here! You are one of us, kaya dapat alam mo din.” Sambit ni Sofia kay Avery. Tiningnan ko naman si Sofia at pinanlakihan ng mata.  Pero imbis na intindihin niya ako, kibit-balikat lang ang kanyang isinagot sa akin.

        Wala na akong nagawa kun’di sundin siya. Humakbang ako palapit sa aking closet saka kinuha ang paper bag na naglalaman nang damit na binili sa akin ni Troy. Lumapit ako sa kanila at inilipag ito sa harap nila. Noong una ay nagtataka ito sa aking ginagawa, kaya sinabi ko sa kanilang buksan ito. Sinunod naman ni Sofia ang aking sinabi at napanganga ito. Nakita niya kasi ang price tag ng damit. Hinaplos niya ang tela nito at na appreciate niya ang bawat detalye nang dress.

        Mahilig kasi siya sa fashion. May pagkakikay din kasi itong si Sofia at kahit anong damit ay bumabagay sa kanya dahil sa kanyang balingkinitan na katawan saka idinagdag pa ang height niya na 5’7 ft.  Para nga siyang isa sa mga modelo na nakikita ko sa TV. ‘Yong Victoria Secret na laging pinapanood ni Mama.

        “Seriously? Binili mo ba talaga to para sa date niyo ni Troy” Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin. “Hindi pa kita nakikitang nagsuot ng ganitong klase ng damit.”

        “Si Troy ang bumili niyan hindi ako.” Pagtatama ko sa kanya saka ako umupo sa kama.

        “Talaga? Saan ba kayo mag da-date?”  Tanong nito sa akin.

        I smirked. “He invited me to the party.” Ani ko.

        “Bakit gaano ba ito ka bongga?.” Tanong niya uli sa akin.

        “Hindi naman gaano casual lang.” Sambit ko.

        “Pero bakit ka niya binilhan nang ganito—.” Mwestra niya sa dress. “— Kung casual lang pala ang suotan, baka mapahiya ka sa suot mo! Nagiisip kaba?” Sabi nito sa akin.

        “Kasi ang pagkaka-alam nila, na ang alam ko ay formal attire ang isusuot sa party.” Sabi ko sa kanya.

        Kumunot ang kanyang kilay nang sinabi ko ‘yon. “What do you mean?” Tanong niya sa akin, at doon ko na isinalaysay ang buong pangyayari. Pati ang plano ko ay sinabi ko din sa kanila. Galit na galit so Sofia dahil sa nalaman niya at pabalik-balik itong naglalakad sa aking kwarto. Habang paulit-ulit niyang binibigkas kung paano niya papatayin ang boyfriend ni Maydelyn at si Troy.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon