Chapter 8 - New Member

18 1 0
                                    

Hinubad ko ang aking helmet saka iniligay ito sa aking bisikleta. Inayos ko muna ang aking sling bag bago ko sinuklay ang aking buhok gamit ang kamay ko.

Natigil ako sa aking ginagawa nang nakarinig ako nang mga bulungan sa likod nang Barbados Gooseberry na nakatanim malapit sa aking bisikleta. Marahan akong yumuko at kunwaring inaayos ang sintas ng sapatos ko. Palihim kong kinuha ang bato na nasa tabi ng sapatos ko at agad na binato ang halaman.

Tumayo ako nang makarinig ako ng sigaw galing sa mga lalaking nagtatago doon. Humakbang ako palapit sa bulaklak at sinilip sila. Dalawang lalaki ang nakita ko na nakaupo sa lupa. Hawak-hawak nang isang lalaki ang kanyang ulo habang ang isa ay hindi magkandaugaga kung saang parte niya hahawakan ang kanyang kasama. Dahil sa nangyari hindi ata nila napansin ang paglapit ko.

“Ang sakit! Sinong bumato sa akin!?” Sigaw niya sa kanyang kasama.

“Ako.” Walang buhay kong sagot.

Nakita ko kung paano nanlaki ang kanilang mga mata. Marahan silang lumingon at tumingala sa akin. Dali-daling silang tumayo at lumayo sa akin nang isang metro.

“P-pasensya kana Snow wh—”inis niyang nilingon ang kasama niya dahil sa pagsiko nito sa kanya. “—I-I mean Jasmine.” Sambit niya sa pangalan ko nang maintindihan niya ang ibig sabihin nang kasama niya. Ayaw ko kasi na tinatawag sa palayaw na ibinigay nang mga studyante sa akin. 

“Ano’ng ginagawa niyo sa likod nito” Turo ko sa bulaklak. Alam ko na ako ang sinisilip nila. Pero gusto ko pa din marinig ito sa bibig nila.

“G-gusto lang kasi namin na masilayan ka sa malapitan.” Sabi nang isang lalaki habang namumula ang kanyang pisngi.
Kunot noo ko silang tiningnan nang masama saka inirapan. Minsan ay nakakaasar na talaga sila. Nakakairita ang ginagawa nila, minsan ay gusto ko silang bigwasan.

Pinutol ko ang aking tingin sa kanila nang narinig ko ang malakas na ugong ng makina ng isang ferrari na kakadating lang sa parking lot. Pinasadahan ko nang tingin ang mga studyanteng nag-sitakbuhan papunta doon. Nagtataka ako kung anong meron kaya sumulyap din ako sa parking lot kung nasaan ang ferrari na nakaparada.

Bumukas ang driver seat kaya ang mga studyante ay todo tili. Taas kilay ko tiningnan kung sino ang lalabas. Pero napaismid nalang ako nang si Mason iyon. Siguro ay alam na nang mga studyante na siya ang nag mamay-ari ng sasakyan na iyan kaya ganoon nalang ang reaction nila no’ng dumating ito. Ngayon ko lang kasi nakita na may sasakyan siyang dala.

Bumaling ang aking tingin sa harapan. Pero wala na doon ang dalawang lalaki, siguro ay nakatakas ito no’ng wala sa kanila ang aking atensyon. Nagkibit balikat nalang ako saka humakbang papunta sa gate.

Nagulantang ako sa mga babaeng studyante na tumatakbo palabas. Kaya humakbang ako papunta sa gilid para tumabi.

“OH MY GOD! Ang gwapo ni Prince Mason!” Napangiwi ako sa sigaw nang babae habang tumatakbo papunta kay Mason.

What the hell Prince Mason?

Napailing nalang ako saka nagsimulang maglakad. Naramdaman ko ang pag vibrate nang cellphone ko kaya kinuha ko ‘to sa aking bulsa. Nakakapagtaka ang biglaang tawag ni Avery sa akin. Kaya agad kong sinagot ang kanyang tawag habang naglalakad.

“Hello?” Sagot ko.

“J-jasmine, wala tayong klase ngayon sa economics. Wala ang professor natin.” Malumanay niyang ani.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon