Chapter 5- Who are you?

14 1 0
                                    

HINIHINGAL  ako habang tumatakbo. Papunta sa isang lugar na sobrang labo  at hindi ko malaman at matukoy kung nasaan na ako. May nakita akong batang lalaki nakatingala sa langit. Lumapit ako sa kanya pero malabo din ang kanyang mukha. Pilit ko inaninag ang mukha niya pero sobrang labo talaga. Umiiyak ito at humihingos.

“Baby J aalis kami ngayon pupunta ako sa malayong lugar.” Sambit niya habang hinahawakan niya ang magkabilang balikat ko.

“Iwanan mo’ko?” Tanong ko sa kanya. Umiiling siya sa akin saka ako niyakap.

“Babalik ako pangako.”

“Bukat maglalo tayo, may bagong laluan na binili ti Papa” Tumatalon pa ako habang sinabi iyon.

Tipid siyang tumawa at pinisil niya ang pisngi ko. “Pagbalik ko dapat marunong kanang magbigkas nang R tsaka S.”

“Ehh!?”

Ginulo niya ang buhok ko saka siya tumawa. Ngumiti din ako sa kanya. Pero bigla siyang nagbuntong hininga nang nilingon niya ang mga bagong dating na mga lalaking nakasuot nang puro itim.

“Young Master kailangan niyo na pong pumunta sa airport nag aantay na ang mga magulang mo.”

Tumango lang ito sa kanila saka ito lumingon sa akin at hinalikan ako sa noo. “Mag-iingat ka Baby J.” Sambit niya sa akin bago siya humakbang at tinalikuran ako.

Nakaramdam ako nang takot sa dib-dib ko agad ko silang hinabol at hinawakan sa kamay ang batang lalaki. Huminto siya sa kanyang paglalakad at tumingin sa akin. Napayuko ako nang maramdaman kong may pumatak na tubig sa aking kamay. Binaling ko ang tingin sa kanyang mukha ngunit malabo pa din ito. Humihingos ito kaya alam kong umiiyak siya.

“Kailangan ko nang umalis Baby J” Humihikbi siya habang sinasabi iyon.

“Tama ako tayo!” Sabi ko sa kanya.

“Hindi pwede!” Pumipiyok siya habang sinasabi ‘yon kaya hindi ko na din napigilang umiyak.

“Tige na Tama ako! ‘Wag mo ‘kong iiwan! Wala akong kalalo dito!” Lumubog na ako sa lupa habang hawak ko pa din ang kamay niya.

“Young master tumatawag na po ang magulang mo.” Ani nang isang lalaki. Hinawakan niya ang kamay nang batang lalaki at hinila. Pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kanya para di siya tuluyang mahila. Humihikbi na ako habang ginagawa iyon at nagmamakaawa ako sa kanya na ‘wag siyang umalis. Pakiramdam ko kasi ‘di siya makakabalik.

“Baby J” Malumanay niyang bulong sa akin. Hinila niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nang lalaki saka niya ko niyakap nang mahigpit.

“Promise babalikan kita.” Umiiyak pa din siya habang sinasabi ito. Umiiling lang ako saka ko siya niyakap din nang mahigpit. Pero bigla kong naramdaman na may humihila sa akin palayo sa batang lalaki. Pilit ko siyang inaabot pero masyadong malakas ang mga humihila sa akin.

“’Wag mo’kong iiwan! Pleate” Pagmamakaawa ko sa kanya. Pero wala na siyang nagawa no’ng kinarga na siya nang lalaki.

“Babalik ak—” Humikbi siya “—Babalik ako!” Sigaw niya. May sinasabi pa ito pero hindi ko na masyadong marinig dahil pahina ito nang pahina. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Gusto ko siyang habulin pero hindi ako makagalaw. Sobrang bigat nang mga paa ko.

‘Wag mo’ko iiwan! Tanging sa isip ko nalang naisigaw ang gusto kong sabihin.

“Jasmine!” Lumingon ako sa aking gilid nang may narinig akong tumatawag sa aking pangalan. Paulit-ulit itong binibigkas. No’ng una ay sobrang hina neto pero habang tumatagal ay lumalakas.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon