Chapter 6 - Partner

23 2 2
                                    

“Sakay nalang kasi ako sayo! Kaya ko naman umupo sa harapan!” Napapikit nalang ako at napahilot sa aking sintido dahil sa kakulitan ni Sofia. Pinipilit niya kasing sumabay sa akin kaya gusto niyang sumakay sa bisikleta. Hindi ko pa naranasan magkaroon nang sakay kaya ayaw ko siyang isabay. Pinapasakay ko siya nang taxi pero ayaw niya. Kaya ito kami’t halos sampung minuto nang nagbabangayan.

“Hindi talaga tayo makaka-alis!” Maktol niya “At kasalanan mo ‘yan!” Irap niya.

Napabuntong hininga ako ‘tsaka binitawan ang manibela at umayos nang upo. Napakamot ako sa aking batok saka ko siya sinenyasan na umupo na sa harapan. Unti-unti namang sumilay ang ngiti niya sa mukha at tipid na tumawa. “Bilisan mo!” Asik ko sa kanya.

Umupo siya nang pambabae na upo. Nung okay na ay agad akong nag-pedal. Nahirapan ako ‘unti dahil sa kabigatan niya. Payat naman ang babaeng to, pero mabigat pa rin.

Naramdaman ko ang mga sulyap at tingin nang mga studyanteng nadadaanan namin. Ang iba ay nagbubulungan pa. Pero ‘di ko nalang sila tinutuunan nang pansin. Agad akong huminto nang nasa harap na kami ng gate. Bumaba si Sofia saka ko nilagay ang aking bisikleta sa parking rack.

“Ang saya!” Napangiwi ako dahil sa hiyaw niya.

“Anong masaya do’n? pinahirapan mo’ko! Sana inisip mo din kung gaano ka kabigat!”

“Excuse me?”

“Ang bigat mo!” Sambit ko sa kanya ‘tsaka ko binilisan ang aking hakbang papasok sa gate.

“Ano kayang nangyari sa kanya?”

“Balita ko pumunta sila sa hospital kahapon.”

“May sakit ba siya?”

“Ayun sa chismis, May malubhang sakit daw ata si Jasmine.”

Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ang mga bulungan nila. May malubhang sakit? Nilingon ko ang mga babaeng nagbubulungan padin. Kunot noo ko silang pinasadahan nang tingin at agad naman silang nag si-alisan nang mapansin nila iyon.

“What happened? Bakit ganyan ang mukha mo?” Ani ni Sofia na kakarating lang sa tabi ko.

“May narinig lang akong chismis tungkol sa akin.”

“Ngayon kapa talaga nag react ah! Eh halos araw-araw ikaw ang top news sa school!” Ngiwi niya. Tama si Sofia ako ang laging laman nang balita sa school lalo na pag may nakita silang bago sa akin. Bagong damit, bagong ballpen at kahit anong bagong gamit ay napapansin nila. Tapos nagugulat nalang ako kinabukasan marami na ang gumagaya kung anong bago sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa mga utak nila na wewirdohan ako.

“May malubhang sakit daw ako.” Sabi ko sa kanya.

“Huh?”

“Sino bang nagpakalat niyan?”

“Ewan ko! Bakit ako ang tinatanong mo?”

“Eh diba chismosa ka! Bakit hindi mo alam?”

“Hoy! Chinichismis ko lang ang mga importanteng pangyayari!”

“Importante naman to ah!”

“Anong tingin mo sa akin! Agent! Gamitin mo ulit mga koneksyon mo ipahanap mo ang mga taong nag chismis niyan! ‘Wag ako ang tinatanong mo na as if alam ko lahat!” Irap niya.

“Magsasayang lang ako nang oras.”

“Tamad ka lang! Tse!” Aniya saka naunang naglakad. “Sabay tayong kumain mamaya!” Hiyaw niya bago makaalis nang tuluyan. Hindi na ako nakaimik at dumiretso nalang din ako sa aking locker para kunin ang libro ko sa chemistry. Pagbukas ko ay may nakalagay na naman na mga letters hindi ko nalang ito pinansin. Pagkatapos kong kunin ang  aking libro ay agad ko itong sinarado at nagtungo sa room namin.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon