Chapter 2 - BET

46 5 0
                                    

SUMASAKIT NA ang aking pantog dahil sa pagpipigil ng ihi habang inaantay ko si Sofia sa hallway. Gusto niya kasing sumabay sa akin magtanghalian sa canteen. Hanggang sa 'di ko na kaya at napagdesisiyonan ko nalang pumunta sa public CR ng school.

Papasok na sana ako sa loob, pero nakarinig ako nang tawanan galing sa gilid ng boys comfort room, kaya napatigil ako at pinasadahan ito nang tingin. Magkatabi lang kasi ang CR ng babae at lalaki. Hahakbang na sana ako ulit pero narinig ko ang pagbanggit nila sa aking pangalan. Kaya sumandal ako sa pader ng CR at palihim ko silang pinakinggan.

"Bibigyan ka namin nang tig-iisang libo, mapasama mo lang si Jasmine sa party natin." Rinig kong sambit nang isang lalaki na may matinis na boses.

"Binigyan ko siya nang rosas kanina at tinanggap naman niya, so isa lang ang ibig-sabihin nun, may gusto sa akin si Jasmine. " Napangiwi ako dahil sa aking narinig. Kahit kailan ay di ako tumanggap ng bulaklak.

"Sabihin mo sa kanya formal attire ang susuotin,kapag napapayag mo talaga siya." Sabi nang lalaking may malalim na boses at dama ko ang authoridad nito.

"Akala ko ba casual lang ang susuotin sa pa- ." Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang biglang sumapaw ang lalaking may authoridad ang boses.

"Do what I say, masyado niyang nasaktan ang Maydelyn ko kaya kailangan kung mag-isip nang paraan para makaganti sa kanya." 'Di ko alam kung bakit pero napangiti ako sa aking narinig. So nag paplano pala sila ng trap para sa akin. Masyado ata silang ma effort para sa isang tulad ko. I feel so special.

"Ikaw ang pinili namin troy, kasi alam naming matinik ka din pagdating sa mga babae." Sambit uli nang lalaking may matinis ang boses. Napa-iling nalang ako sa kanila. Nakakatawa ang mga naiisip nila, nagsasayang lang sila ng panahon.

"San kaba galing?" Tanong sa akin ni Sofia habang nakapamaywang sa gilid ng hallway. Kanina pa daw kasi siya nag-aantay. Sinabi ko sa kanya na nag CR muna ako saglit. Pero di ko na sinalaysay ang mga nasaksahin ko kanina. Gusto ko din kasi silang paglaruan by playing dumb.

Naglakad na kami papuntang canteen, hinahanap niya sa akin kung nasaan si Avery ngunit tinarayan ko lang siya at sinabing hindi ako nag-aral para maging taga bantay nang babaeng 'yon. Babatukan niya sana ako pero bigla nalang kami nakarinig nang hiyawan at sinundan ng takbuhan ng mga studyante. Nataranta din si Sofia at hinila niya ako papuntang gilid para makaiwas kami sa mga studyanteng tumatakbo na akala mo'y katapusan na nang mundo.

"What the heck?" Mahinang sambit ni Sofia habang sinusundan niya ng tingin ang mga tumatakbo. Bigla siyang may hinila na studyante na muntikan ng masubsub dahil sa ginawa niya. Agad niya itong hinarap at tinanong kung anong nangyayari.

"M-mason is here! He wears a university uniform it suits him, and he is so damn attractive right now." Sambit ng babae at halata sa boses niya ang sobrang kilig. Tumango lang si Sofia at binitawan na niya ito.

Humakbang na ako papuntang canteen pero bigla nalang niyang hinawakan ang pulsuhan ko saka ako hinila. Nagpumiglas naman ako sa kanya, dahil mas malakas ako nabitawan niya agad ang aking kamay.

"Where the heck are you going?" Tanong ko sa kanya.

"Puntahan natin si Mason tingnan natin siya." Aniya at muli niya sanang hahawakan ang kamay ko pero agad naman ako umiwas.

LET THE RIGHT ONE IN (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon