CHAPTER 11

10.3K 154 4
                                    


"Bakit ba kasi nag hahamadali ka?" 


Kakadating ko lang sa building nila Rhia nang balak niya ulit akong iwanan. Hindi ko na maintindihan ang babaeng ito kung bakit ang dalas mang-iwan. Ngayon kailangan ko pang hintayin si Zhep. Siya nanaman ang makakasabay ko!


"May pupuntahan lang ako. Si Zhep nalang ang isabay mo." sagot niya habang nag-mamabilis na ipasok ang salamin sa bag.


Ang sarap niya talagang ihagis sa China! hindi naman porket sanay akong laging iniiwanan gagawin niya din sakin iyon. Mag sasalita pa sana ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi saka naghamadaling tumakbo papa-alis.


Wala akong choice kundi hintayin pa si Zhep. Pati si Ance hindi ko din alam kung saan ko hahagilapin bigla bigla narin nawawala ang isang iyon. Mga ghoster talaga! Sumandal lang ako sa locker habang hinihintay si Zhep na pumunta dito,


Tumayo ako nang tuwid nang makita kong naglalakad si Zhep habang nakakunot ang noo. Halatang wala sa mood ang isang to kaya ganito ang mukha. Gusto ko pa naman sanang mag joke sa kaniya kaso huwag nalang gusto ko ang mabuhay nang matagal. Hinintay ko silang lumapit.


"Bagay sayo yang ganyang mukha mas lalo kang pumapangit." hindi ko napigilan.


Ngumiting plastic siya saka pinag krus ang braso. "Kung mang-iinis ka huwag mong subukan hindi ko gustong pumatay nang tao." 


Umiling ako. "Huwag mawawalan nang maganda ang mundo kapag ginawa mo yun. Sayang naman diba." natawa ako pero mukhang seryoso parin talaga ang isang to.


Napakamot siya nang ulo saka sinimangutan ako. "Pwede ba kahit isang araw lang tigilan mo naman iyang magiging. GGSS mo. Hindi nakakaganda nang araw." Nag lakad na siya habang nakababa ang balikat.


"Pwede bang sabihan kong pangit ang sarili ko? syempre hindi no! saka kanino ako magagandahan sa ibang tao? no way!" sumusunod lang ako sa kaniya. "Loveyourself nga diba e'di puruin mo sarili mo araw araw." 


Huminto siya kaya huminto din ako. Halatang inis na siya sakin. Nag kibit balikat lang ako. Nag sasabi naman ako nang totoo ah, Hindi ko hahayaang ibang tao ang manglait sakin mas magandang laitin ko nalang sarili ko at the same time pupuriin ko din.


"Ngayon ko ang masasabing mas matino pang kasama si Rhia." Bulong niya habang nasa gilid ko. Para siyang pinag-sakluban nang langit.


"Bagay talaga kayo. Syempre mahal mo yung kauri mo." pinigilan kong matawa nang napapikit siya at nagpipigil na sampalin ang mukha ko. Medyo umiwas ako nang konti sa kanya mahirap na nag iingat lang ako.


Halatang hindi niya nalang ako pinansin pero nasa mood ako ngayon para gantihan siya sa mga pang-iinsi niya. Minsan lang kasi dapuan nang toyo itong babaeng to susulitin kona!


"Mary?" biglang sabi ko. Napatigil ako sa pagbukas nang phone ko nang marealize kung ano ang nasabi ko. Hindi ko sinasadya!

Love Me Back, Director (McMaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon