CHAPTER 24

10K 198 30
                                    


"Hindi ba parang padalos-dalos ka naman sa pag-dedesisyon mo pag isipan mo muna iyan, anak."


Kahit na paulit-ulit akong tanungin ni mommy ay hindi na mag babago ang naging pasya ko.  Ito na ang pinili ko at hindi na ako aatras pa.


"Kung ano ang tatanungin gusto ko ang naging desisyon mo," nasa tabi ko si Daddy at naka krus ang braso.


"Hiko, pwede ba tumigil ka higit na inaayos mo ang mga desisyon nang anak mo pinapalala mo pa." pagalit ni Mommy.


"Anong mali sa desisyon ni Trinity, diba tayo naman din ang nag pumilit sa kaniya sa bagay na iyon. Tama lang kung ano ang magiging galaw mo trinity," pag-kausap sakin ni daddy.


Abala lang ako sa pag-impake ng mga damit ko, habang silang dalawa ay hindi tumigil sa pag-uusap. Hindi ko nalang sila pinansin, ang pag -agos nang aking luha ay tuloy-tuloy. 


Isang maleta lang ang inaasikaso ko ngayon, mga importanteng gamit lang ang nilalagay ko. 


"Hindi mo man lang ba sasabihin kay Jayremic ang gusto mo, unfair ito para sa kaniya." humawak si mommy sa braso ko.


Napatigil ako at huminga nang malalim, kung sasabihin ko sa kaniya ito ay nakakasiguro akong magagalit at hindi siya papayag. 


Sa ngayon ay hindi pa kami pwedeng makabyahe, Kinausap ni daddy ang Doctor at pinag bawalan akong sumakay sa eroplano dahil hindi ko kakayanin maliban nalang kung malapit na akong manganak. Gusto ko sa california manganak kaya ngayon ay nag pasya si Daddy na sa baguio muna kami mag i-stay bago lumipad papuntang ibang bansa.


"Ihahanda ko na ang sasakyan, sumunod na kayo." pagkatapos noon ay tumalikod na si daddy.


Nang sandaling umalis siya saka ko nabuga ang iyak ko, Tinakpan ko ang mukha ko saka humarap kay mommy. Lumipat siya sa kama saka mabilis akong niyakap nang mahigpit.


"Hindi ko alam kung bakit biglang nag bago ang pasya mo, pero kung ito ang gusto mo wala akong magagawa kundi suportahan ka." panay lang ang iyak ko sa balikat niya.


Alam ko ay handa ako sa kapalit nang desisyon ko, Magagalit siya sakin at tatanggapin ko iyon , pero ito lang ang paraan na nakikita ko para maging masaya siya. Habang kinakausap ko siya kagabi ay doon ako napa-isip Na parang kinukulong ko siya, na dahil sa baby ay nasasakal ko siya. Hindi niya magawa ang mga bagay na gusto niya, at ayaw kong mag-sisi siya balang araw.


Kapag mawala ako kami nang baby ko sa buhay niya ay papasok si Haidee at alam kong magiging masaya siya doon. Makakalimutan niya din kami, Si Haidee lang ang tanging tao na kayang magpabalik sa mga ngiti niya at tanggap ko na kahit ibigay ko pa ang lahat lahat sa kaniya hindi mag babago na hanggang Kaibigan lang ang tingin niya sakin.


Nag paalam ako kay manang bago sumakay sa sasakyan. Si daddy ang nasa driver seat habang nasa backseat ako. Binura ko lahat nang social media account ko, hindi ko binubuksan ang telepono ko dahil alam kung siya ang bubungad sakin at kaya niyang pabaguhin ang isip ko. 

Love Me Back, Director (McMaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon