CHAPTER 7

8.8K 161 8
                                    


Kami ang huling pinalabas. Hindi agad natapos ang kwento nang Proffesor namin about sa lovelife niya noon. Ang ibang kaklase ko ay sumasakay nalang para hindi na maka pag-lecture kahit ang iba ay inaantok na ay tuloy parin sa pakikinig.


Panay lang ang halumbaba ko habang sekretong gumagamit nang phone. Panay ang message sakin ni Zhep na hinihintay nila ako hindi ko masagot ang tawag nila dahil nag-sasalita pa ang prof ko. 


Napapahawak na sa tiyan ang iba kong kaklase habang masayang nag sasalita si Prof.


Kinukwento niya ang story niya saka nang asawa niya. Dating magkaibigan na nahulog sa isa't isa nung una ay naguguluhan siya kung anong meron sa nararamdaman niya para sa asawa pero dahil nga magkaibigan nahirapan siyang sabihin ang feelings niya para dito hanggang sa maka graduate sila na pumasok sa mag-kaibang paaralan pero makalipas ang ilang taon pinagtagpo ulit sila nang mundo dahil sila talaga ang para sa isa't isa,


Alam niyo ba ang pwedeng mangyari sa pag-ibig na gusto niyong masunog? they grow. Mas lumalalim pa sila.


Wala ako sa sariling napapabugtong hininga sa sinabi ni Prof kanina samin. Ewan pero wala namang connect sakin ang sinabi niya pero pakiramdam ko bigla akong tinamaan sa salitang iyon. Hindi mawala sa isipan ko iyon paulit-ulit ang siyang pumapasok.


Problemadong problemado ang mukha ko habang nakikinig sa usapan nila. Hindi ko naman maintindihan dahil hindi doon nakatuon ang pansin ko. Bigla bigla nalang akong matutulala at mag iisip nang kung ano ano. Ang sarap sabutan nang sarili ko! mas inaalala ko pa ang bagay na hindi ko maintindihan kaysa sa mga dapat kong alalahanin.


"Wala kang choice kundi ang sundin sila Uncle?" narinig ko ang tanong ni Khiara.


Nakasandal ang likuran ko kay Ance na umiinom nang sa bottle ko. Si Rhia ay hawak ang isang libro at pasalin salin ang tingin sa phone niya. Habang ito namang si Zhep parang mas lutang pa sakin.


"Gusto din ni mommy na doon ako mag stay at umpisahan ang training ko" bulong na sagot niya.


"Pero hindi mo gusto?" 


Tahimik siya na para bang hindi sigurado sa pwedeng isagot.


Gusto nila Uncle na sa US siya mag training nang pagiging Doctor. Alam ko din na hindi niya gusto ang desisyon sa kaniya nang daddy niya pero gagawin niya yon dahil bilin sa kaniya nang mommy niya. She's hundred percent brat pero alam kong iniisip niya din naman ang kagustuhan nang ibang tao hindi lang nang sarili niya.


"Hindi ba parang too much na yon? pwede mo naman gawin kung anong gusto mo na huwag mong sundin ang gusto ni Uncle kung hindi ka naman masaya." seryosong sabi ni Khiara dito.


Mapakla siyang natawa. Alam kong wala siyang choice kundi ang sumunod.


"Sabihin mo? gagawin mo yun kasi gusto mo na may mapatunay sa parents mo? or gagawa mo yun para sa sarili mo?" sabi ni Ance.


Love Me Back, Director (McMaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon