CHAPTER 35

13.8K 236 29
                                    

WARNING | R18


Sa loob nang madaming taon ko kinimkim ang mga salita na iyon akala ko sa oras na napakawalan ko na ang gusto ko gagaan ang pakiramdam ko, pero hanggang ngayon pakiramdam ko parang may mabigat na bagay na naka-patong sa dibdib ko.


Buong linggo na si Jayremic ang nakikita ko, laman nang balita ang bagong film na ginawa niya, hindi ko pinapanood ang mga interviews at mga balita about sa kaniya. Hindi siya nakaka-dalaw kay Giftley dahil abala siya at naiintindihan naman nang anak ko iyon.


Matapos nang mga nasabi namin sa isa't isa hindi na kami muling nakapag-usap pa, hindi ko rin alam kung paano ko siyang haharapin.


"Baka naman may ibibilis ka pa!" hindi ko pa nasusuot ang heels ko nang marinig ko ang pag-sigaw ni Rhia.


"Baka naman pwede kang mag hintay!" pabalik na sigaw ko.


Tumayo na ako matapos kong ma-ayos ang heels ko, hindi nagpapasabi ang babaeng ito daig pa kabute sa kakasulpot parang walang phone, tamad na tamad mag message bigla nalang mang-gugulat.


"Fucking wow, love your demin shorts feeling walang anak." taas baba niya akong tinitigan.


Umirap ako sa kaniya, madami pa akong dapat gawin habang mukhang hindi busy ang babaeng ito. I mean never naman siyang naging busy wala siyang ibang ginawa kundi ipahawak ang mga schedule niya sa Secretary niya, In short Tamad na CEO.


"Hindi pa pwedeng mag shopping ka mag-isa?"


"Who the heck told you na mag sa-shopping tayo?" tanong niya. "We will watch a movie, hello!"


Mas lalong kumunot ang noo ko, ang sabi niya kanina gusto niyang samahan ko siya pumili nang dress na susuotin ngayon naman manonood nang movie, And hindi ako mahilig manood nang movies alam niya yun.


"I hate movies." pa-alala ko sa kaniya.


"Ang kill joy mo alam mo yun? binigyan ako nang two tickets nang staff ko sayang naman kung ipapamigay ko lang kung nandyan ka naman para samahan ako." yumakap siya sakin saka sinabayan nang ngiti.


"Bat hindi mo message si ex." bulong ko kaya bigla siyang kumalas at nagsingkit nang mata.


"The good news is, Direk by Jayremic Alaric." nilapit niya pa ang bibig sa tenga ko.


"Anong good news don?" walang emosyong tanong ko.


Sinamaan niya ako nang tingin, wala naman akong magagawa kapag siya na ang pumilit sakin. May halong gayuma ang mga salita ni Rhia kaya kahit sino mapapapayag niya, maliban nalang sa mahalin siya.


Pag-dating namin nang Mall, mas madami ang tao kaysa sa normal na araw. Karamihan doon ay mga dalaga kasama ang mga kaibigan. Nag lalakad kaming dalawa at sumusunod lang ako sa kaniya, pag punta namin sa susunod na floor mas dumami pa ang mga taong nakapila.

Love Me Back, Director (McMaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon