CHAPTER 31

12.7K 226 48
                                    

 Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naka-upo dito mag isa. Humihinga ako nang malalim saka nakatutok ang mata sa pintuan.


"Trins." may narinig agad akong boses.


Tumayo ako saka sinalubong siya nang yakap, yumakap din siya saka hinagod ang likuran ko. Tumingin pa siya sakin saka nag salubong nang kilay at muling yumakap nang mas mahigpit. Parang tanga lang.


"Kailan ka pa naka-uwi nang pinas?" umupo siya sa tabi ko.


"Ilang buwan palang." sagot ko, excited akong makita at maka-usap ulit siya.


Masyadong abalang tao ang isang ito minsan lang kung umuwi sa pilipinas. Capitan siya ng barko, kaya lahat nang libreng oras niya sa pambababae niya binubuhos.


"Hindi mo ba ako kakamustahin?" siniko niya pa ako saka ngumiting aso.


Umayos ako nang upo saka siya tinitigan, ang lakas ng pormahan nang isang to. "Ano pa bang dapat kamustahin sayo?" 


"Napa-sama mo talaga, ilang taon tayong hindi nag kita tapos kung kausapin mo ako parang ako ang nag nakaw ng wallet mo nung college tayo." pag-tatampo niya.


Natawa ako. "So kamusta ka, hindi pa rin ba matino?" seryoso ang mukha ko.


Sumimangot naman siya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Good boy ako ngayon, mahirap na baka mahuli." bulong niya.


Wala na talagang pag babago si Ramir. Same building kami nung college at naging crush ko naman din siya kaya kung minsan nanonood din ako ng mga volleyball game niya, noong una ay nag dadalawang isip pa ako dahil akala ko ay barbie siya pero mas matigas pa pala siya kay Hulk.


Ngayon ay parang hindi ko na siya kilala. Madami siyang pinag bago kasama na dun ang pagiging babaero niya. Noong 2nd birthday ni Giftley ay nasa California siya at iyon ang huli naming pagkikita.


Dumating ang order namin saka kami nag simulang mag usap ulit.


"May tatay na ba ang anak mo?" 


Tumingin ako sa kaniya saka bahagyang ngumisi. "Yes, mag kasama sila ngayon." 


"Inalok naman kasi kita dati na ako nalang ang gawin mong baby daddy choosy ka pa," 


Inirapan ko siya saka mahinang hinampas ang braso. "Pwede naman kaso naalala ko madami ka pang inaalagaan na baby,  hilig mo kayang maging baby sitter." natatawang sabi ko.


Tumaas ang kilay niya na parang galit. "Masarap kaya kapag bata." 


Napatakip ako nang mukha sa sinabi niya. Ang kabilang table ay palihim na tumingin saming dalawa habang siya ay walang pakialam sa sinabi.


Love Me Back, Director (McMaster Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon