Maiikling tula mula sa Twitter

7 0 0
                                    

(02-06-2020)

Isinulat noong panahong pagod na pagod ako sa mga nangyayari sa loob ko at sa aking paligid. Kasabay ng pressure sa paligid na kumilos (na minsan ay mahirap talaga bilang aktibista). Ang hirap kapag nararamdaman mong mag-isa ka na lang. Pilit iniintindi ang mga kasama. Nakakalungkot man pero patuloy lang din sa pagpili na tanganan ang prinsipiyo na humubog sa kung sino ako ngayon. Mula sa masa, tungo sa masa. Patuloy na maglilingkod sa sambayanan. 

---

Sa mumunting oras na ito

Emosyon ay naghahalu-halo

Nawa'y tangayin ng hangin ang lahat

Pawiin ang nararamdamang bigat

Sapagkat ang isang ito'y pagod na

Sa pagsabak sa mga laban sa loob niya.



---

Saka ko na ia-update 'tong parte na ito. Kapag nahalungkat ko na ang aking Twitter. 

Mga Tula ni KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon