Hannah

5 0 0
                                    

Isang maikling tula ng pamamaalam para sa isang kaibigan na biglaang lumisan sa mundo. Ang sakit sa puso at sobrang kalungkutan ang naramdaman ko. Umabot pa sa puntong hindi ako makatulog sa gabi at nakaranas ako ng sleep paralysis sa sobrang stress. Unang nai-post sa aking Twitter account.

Para sa iyo ito, Hannah. 

(06-24-2019)


---

Hannah,


Sa iyong paglisan

Dala mo ang ilang piraso

Ng aming pusong nagmamahal sa iyo

Hindi ka namin makakalimutan

Kasama ang tawa at luha

Ang pagod at tagumpay

Isa kang mabuting kaibigan

At sa susunod na buhay

Gusto ko pang mas makilala ka

Subalit sa ngayon, kahit masakit

Paalam na muna


---

Yung brokenhearted ka na nga at dinadama lahat ng sakit mula sa indirect rejection na binigay sa'yo ng isang matalik na kaibigan tapos malalaman mo sa chat ng isang kaibigan (crush ni crush) sa game na nilalaro niyo na magbukas ng gc niyo. Ang balitang tumambad sa iyo ay mas lalong dumurog sa puso mo. Ang sakit lang. Ang sakit lang kasi akala ko makakabawi ako sa iyo, Hannah. Na baka pwede ulit tayong maging close tulad noong mga freshmen tayo bago ako magpokus sa sarili ko at organisasyong pinili ko (sorry at hindi kita nasamahan agad). Gusto ko pang magpasalamat sa suporta na binigay mo sakin... Sana alam mo kung gaano ako nagpapasalamat sa existence mo sa buhay ko. Salamat sa lahat, Hannah. Paalam at hanggang sa muli. 

Mga Tula ni KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon