Maiikling tula para kay てんし

7 0 0
                                    

Ang dami kong maiikling tula na inilagay sa Twitter na tungkol sa kanya. Hays. Grabe naman kasi ang feels. Ilang buwang pag-iyak din ang ginawa ko habang pinaghihilom ang sakit. haha. Sana kinaya kong sabihin sa'yo lahat ng 'to. Pero sabi mo nga, duwag ako. :)) Hindi ko nga masabi sa'yo nang harapan na gusto kita diba? Nagsulat pa ako ng letter na hindi ko na rin maalala kung ano ang laman. Baka mga cheesy stuff lang 'yon at mag-cringe ako. HAHAHA


---

(04-18-2019)

Pangako nati'y di mang-iiwan

Subalit ang sakit sa pakiramdam

Makita kang unti-unting lumilisan

Sadyang kaaway ang tadhana

Pinagtagpo lang ni Bathala

Subalit oras nati'y tapos na.


---

(04-20-2019)

Gusto ko nang tumigil

Gusto ko nang bumitaw

Gusto ko nang lumayo

Pero alam ko naman

Na ang gusto ko lang talaga

Ay tumayo sa tabi mo

At lumaban kasama ka. 


---

TEKA HANAP MUNA AKO NG IBA. haha nasama yung iba sa hindi ko na mahagilap. Sadt. Grabe napaiyak ako habang binabasa tweets ko tungkol sa'yo. Sobrang intense pala talaga. Hays. Labyu. Mula sa smurf friend mo. HAHA.


Mga Tula ni KayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon