chapter 5

4 1 0
                                    

"Kyle!" nakita ko na rin yung lalaking papunta sa direksiyon ko dati kong kaklase, ngayon schoolmate ko na lang, atsaka minsan na rin akong nagka-crush sa kanya pero ngayon hindi na

"oh Ellie long time no see" masayang sabi niya sabay hawak sa balikat ko, kapal naman ng mukha nito parang walang nangyari, wag marupok selp?

Iniwan ko na siya doon baka mawalan pa ako ng ganang kumain nakakasura yung mukha niya pero infairness mas gwapo na siya compare dati mas tumangkad din siy- wait! Sinabi ko bang gwapo siya pero totoo naman eh! Oo na aaminin ko na na.....

"gusto ko siya" sabi ko akala ko ba crush lang basta! Secret lang yon, napatingin ako sa mga kaibigan ko sa akin nandito na pala ako sa inuupuan namin hindi ko namalayan dahil sa kakaisip dun kay crush este trash mukhang basura kasi.

"Sinong gusto mo? Ikaw ha may inililihim sa amin sino yun?" panunukso nila sa akin ano ba ito! Imbes na secret lang ayan nabunyag na tsk tsk. Wala talagang sekreto ang di nabubunyag

"sino gusto ng Ellie KO" nawalan na ako ng ganang kumain kung bakit naman kasi may umaalingasaw na amoy sa likod ko nakakasuka kadiri! Pati yung pag sabi niya may pagdiin gulo na naman ito!

" oh! Kyle long time no see" sabi ni Miyuka, nagbatian silang lahat, ipinakilala nila si Sese kay Kyle. Eto namang si Kyle umupo sa tabi ko

kung alam lang nila yung nangyari sa amin hindi magiging ganyan ang trato nila kay Kyle ayaw ko ng sabihin sa kanila dahil labas naman sila doon at pati past is past kaya move-on na lang, pero paano ako makakapagmove-on kung nandito yung taong dahilan ng nangyari noon. Hindi man big deal ang nangyari sa amin pero sa akin napaka-big deal lalo na kung mahalagang tao ang nadadamay dito.

Ako kasi yung tipo ng kaibigang papahalagahan ang samahan niyo kahit kakakilala palang natin mahalaga ka na sa akin.

May nararamdaman kasi ako kung anong klase kang kaibigan, kahit mataray ka pa o mabait basta magaan ang loob ko sayo pwede kitang maging kaibigan, pwede mo akong isama sa kalokohan, kadramahan o ano pa man pwera nga lang sa masamang gawain bad iyon!

Pero kung iba ang intensiyon mo sa pagiging magkaibigan natin, kung paplastikin mo lang ako pwes ibang Ellie na ang magiging kaibigan mo. Sa tuwing kailangan mo ng tulong , tutulongan naman kita kaso nga lang hindi muna ngayon kasi busy pa ako, ganyan yung mga sasabihin ko sa 'friend'. Jan natin ma-test kung hanggang saan ka-matutulongan ng mga kaibigan mo. Ganyan kasi si Ashley dati kong kaibigan, ako kasi dati uto-uto, inosente nasa vocubulary ko pa ang salitang kahihiyan.

Dahil sa hindi ko alam ang nangyayari, na si Ashley kinaibigan lang ako dahil kay Kyle, magkaibigan din kasi kami , hanggang sa lumipas ang taon mas naging close sila madalang na rin nila akong kinakausap, kapag nangungumusta naman sila ay laging tungkol sa 'pwede bang pakigawa nitong assignment namin please'

In short alalay nila ako, kasi di hamak na maganda at gwapo sila eh ako? Isang di hamak taga-gawa lang ng assignment at project nila. Isang Nerd lang ako nun dati hanggang sa nakilala ko sina Ashey at Kyle pero nawala na din ang communication namin sa isa't isa dahil naging sila na masakit man pero tatanggapin ko na lang kaibigan ko eh! Magpaparaya na lang ako kahit gusto ko ng umamin kay Kyle pero mukhang wala ring pag-asa.

Hanggang sa nakilala ko si Miyuka siya yung una kong naging kaibigan dun na ako unti-unti nagbago nawawala na sa vocubulary ko ang salitang kahihiyan naging matapang na at hindi na ako uto-uto noon, sa umpisa natatakot din ako sympre baka ganon din si Miyuka katulad ni Ashley at Kyle na di nalang magpaparamdam. Pero nung tumungtong kami ng grade 8 dun ko nakilala sina Sabrina, Lyza, at Cathlyn. Naging mas matibay ang pagkakaibigan namin, eto na nga oh! Grade 10 na kami tapos may nadadagdag pang kaming panibagong kaibigan, ilang years kaming mag kaibigan, 3years mahigit!

Pero mukhang may problema na namang dumating sa amin na kailangan naming lagpasan, hindi ko alam kong problema nga itong taong ito sana wag dahil ayoko ng mawalan ulit ng kaibigan na-depress na ako sana wag na lang ulit mangyayari!

'Kyle'

HAPPY READING!!!!!

vote and comments

Thank you!!

Masyadong madrama etong part na ito

D.A.R.L.I.N.z (season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon