(patugtogin niyo ang bad liar habang nagbabasa try nyo)
FLASHBACK~
"princess! 1st Anniversary namin ni Kyle" masayang sabi ni Ashley, ako eto ngumiti kahit pilit sino ba kasi ang mag-aakala na ang kaibigan mo ang magugustuhan ng crush mo or should i say 'gusto mo'.
"pwede bang pakigawa nung assignment natin sa Math? Please?" pakiusap niya, tumango na lang ako no choice eh.
"Ako naman ang mag-suprise kay Kyle excited na ako bes!" sabi niya habang naglalakad kami palabas ng room
"support ko ang KylAsh" sigaw ko, nagtawanan kami pero sa hindi ko inaasahang yun na pala ang huling tawanan namin. Ewan ko pero pakiramdam ko may mangyayaring masama
Sinabi niya sa akin ang plano kung saan ko dapat papuntahin si Kyle, umalis na si Ashley dahil i-finalize pa niya yung suprise niya.
Takbo dito, takbo doo, kaliwa't kanang tingin pero wala pa akong nakikitang Kyle.
baka naman umalis na pero masyado pang maaga pati dapat kasabay niya si Ashley
Hanggang sa may nakita akong lalaki na alam kong si Kyle iyon
"nandyan ka lang pala K-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil may biglang humalik na babae kay Kyle, buti hindi pa ako masyadong nakita
"babe! I miss you antagal mong hindi nagparamdam" yumakap yung babae kay Kyle na alam kong hindi si Ashley yon dahil hindi ito maputi, ang babae ay morena at maganda din pero si Ashley ay maputi at di hamak mas maganda dito sa babaeng ito. Hindi siya familiar sa akin
Sa nagdaan na ilang minuto ngayon ko napagtanto na baka kanina pa hinihintay ni Ashley si Kyle tapos eto si Kyle pinagtaksilan si Ashley bigla na lang ako nalungkot para kay Ashley hindi ko kakayanin ang mga ganyang pangyayari, kaya kailangan na nilang maghiwalay at dapat makita ito ni Ashley.
Dali-dali kong kinuha yung phone ko at pinicture-ran ko ito
"anong ibig sabihin nito" matapos kong litratuhan lumabas na ako sa pinagtataguan ko
"babe sino siya yung girlfriend mo" malanding sabi nung babae
"huh? Yan magiging girlfriend ko saka na kapag pumuti na ang uwak at kahit pumuti pa ang uwak NEVER" sigaw niya at parehas silang tumawa
"eh ano mo yan? Ex mo na naghahabol sayo o baka nagfeeling lang" tumawa ulit sila, hindi na siya yung Kyle na kilala ko yung mukhang anghel at pinapasaya ako pero itong nasaharapan ko ibang Kyle na ito
"hoy Kyle! Walang hiya ka paano mo si Ashley niloko ha! di hamak na mas maganda pa si Ashley kesa jan sa babaeng yan!" ngayon ko lang nasigawan si Kyle sa tanang buhay ko, nakita ko naman yung babae biglang sumama yung tingin sa akin.
"HOY ELLIE! wag kang mangialam dito dahil KAIBIGAN LANG KITA at wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin dinaig mo pa ang nanay ko dahil jan sa pangingialam mo" sigaw niya sa harap ko
'KAIBIGAN LANG KITA'
'KAIBIGAN LANG KITA'
'KAIBIGAN LANG KITA'
'KAIBIGAN LANG KITA'
Dun ako napaluha dahil sa pagkakadiin niya na kaibigan niya lang ako, kasi akala ko parang kapatid na ang tingin niya sa akin kahit gusto ko siya
"Wag mong iniiyakan jan nakakasuka ka umalis ka na!" pagtataboy niya sa akin pero bago ako umalis sasabihin ko na ang dapat kong sabihin
"1st Anniversary niyo ngayon naghihintay yung tao sayo pero dahil jan sa kalandian na m-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong sampalin

BINABASA MO ANG
D.A.R.L.I.N.z (season 1)
FanfictionSabi nila ang pangarap kailangang pagsikapan mataas man o hindi, dahil yan yung gusto mong makamtan, marami mang pagsubok ang dumaan kung gusto dapat lagi kang may paraan. O baka natatakot ka lang mahusgahan ng kapwa mo dahil sa pagkakamali mo. Tand...