Sa bawat pagpatak ng luha
Ulan din ay gumagawa ng baha
Hindi ko man masabi ang nararamdaman
Ngunit sa gawi pa lang ng mata ay halata naman.Ang pagkapareho ng luha at ulan
Ay hindi ito matatapos kailanman
Maubos man ang mga payong at panyo
Hindi padin mawawala ang pagpatak at pagpayo.Hindi tayo nilaan sa isa't isa
Mapuno man ang unan ng basa
Lumaki man ang alon sa mga dagat
Hindi parin mawawala ang sugat na nagmimistulang habagat.Itigil na natin ang kahibangan
Dahil hindi na mababalik ng luha ang ating pagmamahalan
Hayaan na ang nararamdaman ay lumisan
Kahit hindi pa rin tumitila ang ulan.
YOU ARE READING
Memory | Memorya
PoetryKung saan bawat salita ay may paksa. Where every word has a meaning.