Paalam

9 2 0
                                        


Paalam sa mga papel na sinulatan
Para sa maling taong napag-ulatan
Paalam sa tinta na ginamit upang sumulat
Para sa taong hindi ako maiwaring sapat.

Paalam sa mga tulang aking binigkas
Sa mga tulang pinaglaan ko ng oras at lakas
Sa mga salitang naglahad sa tunay na nararamdaman
Na hindi mo man lang naramdaman.

Paalam sa mga rason at dahilan
Na hindi ko na gusto pang malaman
Paalam sa taong nagbigay ng kasiyahan
Na magdudulot din pala ng matinding kasawian.

Sinaktan mo ako sa paraang hindi ko pa nararanasan
Kahit na ginawa ko ang lahat para hindi mo ko iwanan
Mahalin man kita sa paraang ako lang ang nakaka alam
Hindi na mababago nito ang katagang sinambit ko na, Paalam.

----

huhu sorry medyo cringe, this poem was written last 03-27-20
bRoKeN ako dyan afsjgdkagshs AHHHAHAHAAHA





Memory  |  MemoryaWhere stories live. Discover now