Kaibigan

9 2 4
                                    

Sa tuwing wala akong mapuntahan
Sila ang aking nagiging silungan
Kapag ako ay may problema
Bukas ang kanilang mga tenga.

Kapag puso ay wasak nanaman
Sila ang humihilom sa aking nararamdaman
Isa sila sa mga tinuturi kong tahanan
Mga yakap nila ay sa damdamin nakakapagpagaan.

Suportado nila ako sa bawat larangan
At kapag mali ay binabawalan at pinagsasabihan
Nagkakaisa kami sa mga kalokohan
Pero mahal namin ang isa't isa
Sa kabila ng mga asaran.

Sa mga taong ito, lubos ko kayong pinasasalamatan
Sapagkat tinaggap nyo ang aking katauhan
Sa kabila ng marami kong kasalanan
Ginabayan nyo pa din ako at hindi pinabayaan.

Mga buhok man natin ay magsiputian
Hindi man tayo magkakasama sa ating mga pagdadaanan
Magkakalayo man ang ating mga tahanan
Hindi ko kayo kakalimutan, Aking mga Kaibigan.

--

Dedicated to -precious_29 PonyWall quantrxlle insert cams, illa and kath, and many more haha ♡︎☀︎︎

Memory  |  MemoryaWhere stories live. Discover now