Tangled Strings

9 1 0
                                    

"Aster!"
Dinig kong sigaw ni Nurse Claire na siyang tinakasan ko nanaman.

 
"Sorry nurse claire pero pass po muna ako dyan pleaseee!"
Sigaw ko pabalik
Pansin ko na ang pagtataka ng ibang pasyente at mga bantay nila na nadadaanan ko.
Marahil nagtataka sila kung bakit ako tumatakbo.
Yung ibang nurse naman nasanay na sa ganitong gawain ko.


"Hello Doc Sam!" Bati ko sa doctor na nkasalubong ko.


"Tinakasan mo nanaman si nurse claire." Sambit nito ngunit hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo.  Mukhang hindi na ako mahahabol ni nurse claire, kaya medyo binagalan ko na ang pagtakbo sakto naman na may nadaanan akong room na bukas kaya pumasok ako at sinara ang pinto.

Inaabangan ko ang pagdaan ni nurse claire ngunit napasinghap ako sa gulat ng marinig ko ang isang boses ng lalaki.

"What do you think you're doing?" Maangas na tanong nito kaya naman hinarap ko ito at sinagot.

"Nagtatago di ba halata?" Ang gwapo pala ni kuya well para sa standard ko ewan ko na lang sa inyo.

"You're actually invading my space, trespassing ka."

"Naku naku naku! Wag mo akong paandarin ng mga ganyan mo! Sa bahay lang uso trespassing at hindi sa hospital room."

"F*ck! I'll call the security"

"Wait! Don't do that! Please let me stay here until the coast is clear. Pretty pleaseeeeee!"

"Hello! Nurse...." tinitigan ko siya na nagmamakaawa , sana nman tumalab. Sa tabas ng dila at ugali nitong isang to mukhang hindi tinatablan ng kahit na ano.

"When will I be discharge?" He asked and sighed deeply. Halos mapunit nman ang labi ko sa ngiti.

"Don't look at me like that. Just lock the door when you leave. Don't make any noises or else sisipain kita palabas."

"Aye aye captain! Thank you!" Sang ayon ko, mahirap na bka magbagong isip nitong si kuya, mukhang mainitin pa naman ang ulo ng isang to.

Halos trenta minutos na rin ang lumipas ngunit hindi ko pa rin nakitang dumaan si nurse claire.
Napalingon naman ako sa likod ko ng biglang may nag abot sakin ng pagkain.
Hindi naman pala ganon kasama ang ugali ng isang to. Bakit kaya nasa hospital to,

"Sino ba yang pinagtataguan mo? Takas ka ba sa mental?"
Lord, binabawi ko na po yung sinabi ko kanina.
Tinaasan ko siya ng kilay at sinagot.

" sa ganda kong to sasabihan mo lng ako na takas sa mental?"

"Pangit lang ba ang pwede sa mental?"

Balik na tanong nito, Naku! Isang hirit pa makakatikim na to ng suntok.
"So maganda ako?"

Agad naman akong nakabawi, pansin ko na medyo nairita siya sa naging tugon ko.
'"May sinabi ba ako?"

Ngunit hindi ito nagpatalo.
"Tss! Bakit ka ba nandito sa ospital?"

Inis na tanong ko, alam niyo na lahing marites tayo.
"Pakialam mo."

Masungit nitong tugon, minsan din talaga nakakaubos ng pasensya yung ganitong klaseng tao.

"Hoy di mo pa sinasagot yung tanong ko."
Atungal ko.

"Sinagot mo ba tanong ko?"

Hirit pa nito. Pero siyempre di ako papatalo, patigasan na lang to ng ulo. Jusko

"Nauna akong nagtanong." Bawi nito, napabuntong hininga na lang ako dahil sa inis at pikon, bahagya ko naman siyang nakitang umismid. Tss! Ang yabang! Pasalamat siya mabait ako. Charizz!

"Ahhh! Kainis naman oh! Si nurse Claire, ayokong uminom ng gamot." Inis na sagot ko, ayoko talagang pag usapan ito eh, minsan kasi nagiging madaldal na ako lalo na kapag komportable na ako sa taong nakakausap ko.

"HAHAHA! kung makatakas ka. Ano ka bata? Takot sa gamot?"

Pero malabong mangyari yun dito sa kasama ko, kung makatawa to.

"Makatawa ka, close tayo?!" Inirapan ko siya, pansin ko ang biglang pag tahimik niya. Palihim ko siyang tiningnan at kita ko na nakangiti ito.

"Pakialam mo ba! Sa ayoko ng lasa."

Hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang loob ko, delikado to, konteng ngiti pa lang niya nagdiriwang na kaluluwa ko.

"Anong sakit mo?" Seryosong tanong nito.

"Hoy! Pangalawang tanong mo na yan yung tanong ko hindi mo pa nasasagot." Reklamo ko, kampon rin ata to ni aling marites eh?

"Fine! Na aksidente ako." Tugon nito, ayy! Mukhang ayaw ding mag share eh. Di pwede sakin yan! Dapat give and take pagdating sa chika.

"Ang lampa mo naman." Tipid naman nung sagot ko ayan tuloy Tipid di yung ngiti niya.

"So anong sakit mo?" Bilis namang mairita ng isang to, baka grabe yung naging injuries niya? Pero wala naman siyang mga galos or sugat sa katawan.

" LBM" sagot ko na lamang, laking gulat ko ng humagalpak siya ng tawa.

"HAHAHAHA! Alam mo bumalik ka na sa room mo at uminom ka na ng gamot, baka dito ka pa magkalat sa room ko." Pang iinis nito.

"Eh? Magaling na ako! Bwiset! Kabagin ka sana! Maka tawa to hindi ka nagka LBM?!" Inis kong tugon sabay na binato sa kanya yung unan na nasa likod ko, mabilis naman siyang nakailag, buti na lang hindi yung paso ang natapon ko, kawawa naman si kuya - este yung tanim kung nagkataon.

"Totoo naman baka magkalat ka pa dito. Tsaka anong  bakit ka dyan? Ang dami mo kayang naiistorbo araw araw. "

"Huh? Matagal ka ng naka confine?" Tanong ko

"A week." Sagot niya

"Aah kaya pala halos wala ka ng galos. mukhang hindi na dadaan si nurse claire. Sige salamat sa pagpapatuloy, daan ako ulit bukas? Kung okay lang?"

"Okay."

Laking gulat ko ng makita si nurse claire sa gilid ng pinto

"Sutil ka talagang bata ka! Sabi ko na mang inumin mo na lahat ng gamot mo lalo pa't sa susunod na ling-" agad ko siyang pinutol at pasikretong tinuro si kuya na nasa likod ko.

"Sa susunod na lingo ka na lalabas ng ospital." Tuloy nito

"Ginulo ka ba ng pamangkin ko?"

"Hindi naman po."

"Sige una na kami."

Tipid lang ito na ngumiti agad naman akong hinatak ni Nurse Claire na siyang Auntie ko rin.
Tahimik kaming naglakad ni Auntie Claire pabalik sa room ko.
I heard her sighed deeply, para bang may gusto siyang sabihin o itanong sakin.

"Are you sure about your plan? Hindi mo na ba talaga itutuloy yung naunang plano natin?"
Tanong nito sa akin pagkapasok pa lang sa silid.

"Opo, desidido na po ako, atsaka pumayag na rin na man po si mama at papa kaya goods na yun."
Paninigurado ko sa kanya

"Fine, basta update mo ako sa lakad mo, okay?"
Paninigurado nito.

"Okay! Pero bukas tatakas ako ulit ha."
Pabirong sabi ko na siya namang ikinataas nig kilay niya.

"Itali na lang kaya kita sa hospital bed mong sutil ka?" Inis na tugon nito at inirapan pa ako.

"Joke lang! Si Tita talaga di mabiro, tama na yang kakairap mo okay? Tatanda ka niyan agad. Tapos magkaka wrinkles ka niyan sige ka."

"Wrinkles wrinkles ka diyan? Sa araw araw na paghabol ko sayo dito sa hospital di pa ba sapat yun para ma stress? Jusko sa pwede na nga yata akong sumali sa philippine team sa bilis kong tumakbo."

Litanya nito na siya namang ikinatuwa ko.

"Pero aminin, mas mabilis akong tumakbo." Saad ko at nginitian siya ng nakakaloko

"Naka hanap ka lang ng kakampi na magtatago sayo."
Tumawa na lang ako sa naging tugon niya.
At nahiga na sa kama ko, napagod din ako sa kakatakbo no, ang bilis ng tibok nag puso ko, teka dahil ba sa pagtakbo? O dahil kay kuyang masungit? Charizzz! Enemy kami nun, pangit ka bonding eh.
Pero pupuntahan ko pa rin siya bukas.
Mag isa lang kasi siya eh, kawawa naman.
At bilang isang mabuting tao kailangan ko siyang damayan. Charr!

Tuesday night miraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon