Aster and Friends Ft. Adie the school junkie

5 0 0
                                    

Adie's POV

kasalukuyan akong naglilinis dito sa Bistro ng mapansin ko ang isang note na nakaipit sa lamesa kung saaan naupo si Aster nung una siyang bumisita rito.
yung bayad lang yung Nakita ko siguro nilipad to ng hangin.

agad ko naman itong binasa

Food was great! :)

basa ko sa note, napangiti naman ako dahil dito. it's an honor for us pag sinabing masarap yung luto namin.

"Adie, Sup bro!" nakipag hi five naman ako kay Guji pero agad niyang napansin ang note na hawak ko at hinablot ito mula sa kamay ko. he read the note out loud.

" Food was great! walang name kung kanino galing?" pagtataka nito at tiningnan ang likuran ng note to confirm kung kanino galing pero wala talaga siyang nakitang name. 
Guji stared at me, then he slowly noded his head na para bang may napag tanto. Nagtipa naman siya ng numero sa cellphone niya at may tinawagan.

hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag wawalis.

"hey! punta kayong Bistro." Dinig kong sabi ni Guji. Siguro tinawagan niya ang tropa.  it was a group video call, tama nga ang hinala ko dinig ko naman ang usapan nila kaya hindi ko na kailangang lumapit pa.

"what's with the invite? kala ko ba bawal kaming kumain diyan dahil magpapalibre lang kami." it was Calix who's on the other line.

"Adie moved the tables." napahinto naman ako  ng marinig ko ang pangalan ko sa usapan. lumapit ako at sumingit sa screen ni Guji.  binati naman ako ng mga kaibigan ko na mula sa kabilang linya. pero agad ding akong paalam at bumalik na sa pagwawalis.

"what's with Adie Bro?"Damon asked a bit worried

"Adie has a new girlfriend!" hindi na muli pang nakapagsalita si Guji dahil binato ko na siya ng hawak kong walis. dinig ko naman ang tawanan ng mga kaibigan namin sa kabilang linya.

"bullseye!" it was Calix

"anong pakiramdam ng makakain ng walis Guji?" damon added. sumalubong naman yung kilay ni Guji dahil sa inis sa mga kaibigan namin pero agad siyang nakabawi at inimbitahan pa rin ang mga ito mamayang ala siete.

"around 7pm." Guji said as he ended the call.

nabigla si Guji ng Makita niya ang nanlilisik na mata mga mata ko.

"what?"pag mamaang maangan nito pero inirapan ko lang siya at iniwan sa labas.

Aster's POV

"Ang tagal namang mag Tuesday." reklamo ko habang tinititigan ko yung laptop ko

"Girl, ano ba kasing meron sa Tuesday at aligaga ka riyan?" tanong ni Martha sa akin.

"may ginawa nanaman kasing kagagahan yan." hindi ko na marinig kung ano na ang pinag uusapan nila. Kasi halos idikit ko na ang mukha ko sa screen ng laptop ko.

"Yang isa kasi dyan, nagplano na may kikitain tuwing Tuesday night. dinamay pa akong alibi sa magulang niya. tapos hindi naman ako sinasama so kailangan ko pa tuloy lumabas every Tuesday night para pagtakpan siya."

may bahid ng inis ang naging tugon ni Ella kay Martha

"Lalaki ang kasama no?" singit naman ni Aki

"oo."tipid na sagot ni Ella na busy kakatipa sa laptop niya

"Wow! Kung makapag usap kayo parang wala ako sa harap niyo ah." 

"Asus! ang kaibigan naming nagdadalaga na. ano Aster gwapo ba?" pang aasar pa ni Aki sa akin, tinapunan ko lang siya ng tingin pero natawa lamang ito. nasanay na sila sa ganitong pag uugali ko, alam naman kasi nilang ganito lang ako magpakita ng pag mamahal. charing!

Tuesday night miraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon