Garaje Bistro

10 1 0
                                    

"Aster Blaze!"

Dinig ko nanaman ang sigaw ng tiyahin ko sa di kalayuan.. sorry tita Claire may kailangan lang talaga akong puntahan.
Patuloy lang ako sa pagtakbo ngunit di ito gaya ng dati na wala akong direksyon, this time pupuntahan ko yung room ni kuyang masungit,
hoy! Don't get the wrong idea ha!
I don't like him I'm just bored and I need someone to talk to and mukhang may sense kausap si sungit.

Nakatayo na ako ngayon sa harap ng room niya, kakatok na sana ako ng may biglang bumukas ng pinto at lumabas doon ang isang babae na may edad na, mukhang nasa late forty's na ito or early fifty's and sa tantya ko mukhang nagtatrabaho siya rito bilang maintenance na nag aayos at naglilinis ng mga rooms.

Pareha pa kaming nagulat ni nanay ngunit agad siyang nakabawi at nagtanong

"ikaw po ba si Miss Mental?" tanong nito na siyang ikanakunot ng noo ko

"ho?" tanging tugon ko, hindi ko pa kasi naproseso kung ano yung sinabi ni Nanay. I mean gets ko na man pero mental? Ayy! Shuta nak ka nang!! Si sungit, langya oh.  Napairap na lamang ako sa aking isipan nag mapagtanto ang lahat.

"kung kayo po ba si miss mental?" Wika nito na siyang pumukaw ng atensyon ko.
"Kabilinbilinan kasi ni sir na ibigay ko raw to sa babaeng pasyente na dadaan dito." Pagpapaliwanag nito, kaya napatango na lang ako.
May iniabot naman siyang papel sakin. Isang sticky note na may nakasulat.

"discharge na ako bleh!'' basa ko sa nakasulat. tss! isip bata naku! ano ba yan hindi ko man lanng naitanong ang pangalan niya.

"Naku! Mabuti na lang ay may naging kaibigan dito si sir." Dinig kong sabi ni nanay, bakas sa tono nito na masaya talaga siya para kay Sungit.
At dahil sa dati akong miyembro ng marites league of chismis pinili kong itanong kay ate kung bakit niya nasabi iyon.

"bakit naman po?" tanong ko na siyang ikinangiti ng ale.

"Lagi lang kasi siyang mag isa, wala ring dumadalaw sa kanya, isang beses dinalaw siya ng isang babae ngunit di rin nagtagal at umalis din kaagad."

Kwento nito kaya mas lalo akong naintriga sa kung anong meron o nangyari kay sungit.

"Ano po pala ang nangyari sa kanya? Malihim kasi yung kaibigan kong yun, hindi po nagsasabi." Pag sisinungaling ko. hindi naman talaga kami friends pero kung hindi pa siya na discharge ngayon baka sa malamang mag kaibigan na kami, alam niyo naman ako friendly neighbor.

"Naku! Ija, huwag na huwag mo itong ipagkakalat ah, narinig ko lang rin itong usap usapan na ito sa mga nurse na assigned sa kaibigan mo, hindi ko rin alam kung totoo nga ba yung bali balita patungkol sa kanya."

Taray may pa disclaimer pa si nanay pero tumango tango na lang ako para ipakita sa kanya na interesado ako sa sasabihin niiya. Handa na rin ako makarinig ng exaggeration mula sa kwento niya dahil ganyan  naman talaga pag napag pasapasahan na ang kwento nadadagdagan o di kaya nababawasan yung impormasyon.

"ganito kasi yun, bali balita rito na nag tangka daw na mag suicide yung batang iyon. Tanging kaibigan niya ang nagsugod sa kanya sa hospital, tapos yung dumalaw sa kanya ay yung ex girlfriend niya na dahilan daw ng pagtatangka niya. Wala kasi ang mga magulang niya parehong nasa states sa katunayan doon rin ito nakatira at umuwi lang para sa nobya niya. Naku! Kawawang bata talaga, kahit gaano ka pa kayaman kung kulang ka rin sa pagmamahal at kalinga ay hindi ka rin sasaya ng lubusan. Kayaa ikaw, bantayan mong maigi iyang kaibigan mo ah. Tulungan mo siya sa tamang paraan ija." Napatutop na lamang ako ng aking bibig sa mga narinig at nalaman ko, pero mukhang hindi naman niya ata gagawin yun dahil lang sa babae, it's not that im invalidating his feelings pero sa isang beses or sandali na naagksama kami mukhang wala naman yun sa personalidan niya. Pero ewan hindi ko alam sino ba naman ako para humusga diba? At hindi ko pa siya ganon ka kilala.
Hindi ko naman namalayan na nakaalis na pala yung Aleng nakausap ko.
Malungkot akong naglakad pabalik sa room ko, hindi ko na rin napapansin yung mga taong nadadaanan at nakakasa lubong ko.

Tuesday night miraclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon