Ang Malungkot na Simula

64 1 0
                                    

Ang buong Lireo ay abala sapagkat kumalat sa buong palasyo ang balita na magsisilang na ng isang diwata ang mahal na Hara Alena. Ang lahat ay nag aabang sa bulwagan bahagi ng Palasyo ng magiging balita mula sa mga lambana na nakiki usyoso sa silid kung saan naroroon ang Hara at ilang diwata.

(Sa Bulwagan ng lireo)
Lira: shhhhhh ajug ajug ajug ajuuuggg tahan naaa ( habang hinehele ang kanyang kapatid sapagkat ito'y hindi tumutigil sa pag-iyak)
Mira: bessy ayusin mo naman ang pagaalaga kay Cassandra, kita mo't kanina pa sya tumatangis . . . Amina at ako naman ang mag hehele sa kanya.
Lira: oh edi gow, nasaan na ba si ashti Perena Hindi ba't nandito rapat sya upang sakasihan ang pagpanganganak ng Hara.
Mira: Siya ay abala sapagkat ang mga Argona sa dakong hilaga ng Hatoria ay tulad ng hara ay kabuwanan ng pag pisa ng mga itlog, kailangan ng patnubay ni Ina ang mga ganoong gawain, hamuna't narito naman ako bilang kinatawan mula sa Hatoria. ( habang patuloy padin sa pag indayog upang mapatahan ang tumatangis na sanggol)

[Maya maya pa ay dumating ang isang dama]
Dama: Nagsilang na ang Hara!!!!!

Ang lahat ay masaya sa pagdating ng bagong diwata sa Lireo at nagsimula na ring mag sisayaw sa himpapawid ang mga lambana upang ipamalita ang mabuting balita.

Subalit hindi pa man tuluyang nagdidiwang ang lahat ay lumabas ang pinunong Akil mula sa silid kung nasaan ang Hara Alena at ang sangre Danaya. Ang kanyang muka ay balisa animoy hindi mapakali. Agad nyang tinungo ang trono at tumayo sa harap nito upang mapukaw ang atensyon ng lahat.

Akil: Makinig kayong lahat, ang sitwasyon sa loob ay hindi ko pa maaaring sabihin subalit, Oo nagsilang na ang Hara Alena ng isang Sangol na lalaki yun at . . . at. . . yun na lamang sa ngayon maaari na kayo magsi-uwi sa inyong Pamilya.

Bagamat masaya ang lahat ay nagdulot ng kalituhan ang pahayag ng mashna sapagkat kanilang inaabangan na masilayan ang bagong silang na sanggol.

"Hindi ba maaaring masilayan ng lahat ang isinilang ng Hara?" Tanong ng isang dama

Akil: Ang pagpapakilala sa anak ng Hara Alena ay gagawin sa ibang araw sapagkat siya ay nanghihina pa sa mga sandaling ito, kaya inuulit ko maaari na kayong magsi uwi sa inyong mga tahanan.

Lumisan ang lahat maliban sa magpinsan na sangre Lira at Mira. Alam nilang may hindi kaaya ayang naganap at bilang pilya at pasaway si Lira.

Lira: Bessy ikaw na muna ang bahala kay Cassandra ahhh, aalamin ko lang kung ano ng nangyari sa loob.
Mira: Subalit, hindi tayo maaaring pumasok duon, Lira wag ka ng sumuway pakusap.
( nagtinginan lamang ang dalawa na animo'y nagkakaintidihan sila )
Lira/Mira: bawal tayong pumasok mula sa pinto pero pwede tayong gumamit ng evictus

At naglho na nga ang dalawang pasaway na sanggre

(Sa loob ng silid na kinaroroonan ng Hara)
Nagtago sa likod ng makakapal na kurtina sina Lira at Mira bit bit ang nahihimbing na si Cassandra. Naroon sa loob ang Hara Alena, Sanggre Danaya at si Mashna Akil.

Umiiyak ang Hara sa mga braso ng kanyang kapatid na si Danaya
Alena: Danaya hindi ito maaaring mangyari muli sa akin. .  . ( habang patuloy sa pagtangis at pag hikbi)
Danaya: mahabaging Emre bakit nyo hinayang mawala ng maaga sa amin ang sanggol ni Alena.

Sa gulat nina Lira at Mira sa nalamang balita ay agad silang lumabas sa kanilang pinagtataguan

Lira: ano?! Anong nangyari ashtiii?
( nagulat ang lahat sa biglang paglabas ng dalawa subalit hindi natinang ang umiiyak na si Alena)
Danaya: anong ginagawa nyo rito mga  pashnea.

(Hindi magawang tignan ni Alena ang kanyang sinilang na sangol sapagkat ito ay hindi na humihinga, wala syang ibang magawa kundi uniyak.

Maging sina Lira at Mira ay hindi makagalaw sa kanilang nakita.

Wala pang ilang sandali ay may liwanag na nagmula sa bintana ng silid, isang liwanag na sa sobrang tingkad ay di nila magawang titigan.

Isang boses ang kanilang narinig mula sa liwanag, tinig ng isang babae.

" narinig ko ang iyong pighati diwata, tumahan ka na Hara "

E Corrie DioWhere stories live. Discover now