Hindi magawang titigan ni Alena ang pigura sa liwanag subalit walang atubili siyang nagsalita.
Alena: sino ka nilalang, ano ang pakay mo ( bakas sa kanyang boses ang pagtataka )
"Ako ang batalumang Haliya" sambit ng pigura
Nang madinig ito ng lahat ay agad silang nagbigay bugay sa pigurang hindi nila magawang titigan.Alena: bataluman, maraming salamat at dumating ka, ang aking ana. . .
Hindi pa man natatapos magsalita ang Hara ay pinutol na sya ng bataluman.
Haliya: alam ko ang naganap, nasaksihan ang lahat mula sa buwan, nakakaawang sanggol.
Wika nito at inakay ang walang buhay na sanggol.
" hindi ko alam ang tadhanang binigay sa iyo ni Emre at kay aga mong mamatay subalit hindi ko rin nais na ikaw ay mawala sa piling ng iyong ina" sabi ng bataluman na ani mo'y kausap ang sanggol
"Bessy in fairness na ang flawless ni batalumang Haliya" bulong ni Lira kay Mira sabay turo sa napakakinis at maputing anyo ng bataluman
"Shhhhhh Liraaaa" pagsaway ni Mira
Lunapit si Alena sa bataluman at hinawakan ang laylayan ng kanyang kasuotan.
" Bataluman ako'y nakikiusap sa inyo, tulungan nyo akong maibalik ang aking anak" wika niya habang umiiyakIbinaba ng bataluman ang sanggol at kanyang inakay si Alena at iniharap ito sa kanya
" Tahan na Hara ng mga diwata, tatagan mo ang iyong loob, narito ako upang kayo ay tulungan "Binuhat muli ni Haliya ang sanggol " ano ang kanyang ngalan ?" Tanong nito kay Alena
"Adamus" walang alinlangang niyang sagot
"Kay gandang pangalan, hmmmmm, Adamus halika at silayan mo ang buwan" naglakad ang bataluman patungo sa binatan ng silid at itinapat ang sanggol sa buwan
Ang lahat ay nakamasid sa batalumang Haliya " oh ikalawang buwan ng Encantadia, wag mong pagdamutan ang sanggol na ito, ikaw ay sumilay at syang katuwaan" bigkas ng bataluman at ilang sandali pa'y nahawi ang ang mga ulap sa kalangitan ang nasilayan ng lahat ang dalawang buwan sa kalangitan na ani mo'y mga mata sa himpapawid. Ang isa sa mga ito ay naglabas ng kagilagilalas na liwanag na tumama sa hawak na sanggol ng bataluman
Namamangha ang lahat sa nangyayari subalit si Alena ay nakatitig lamang ng maigi sa kanyang anak na namamahinga sa kamay ng bataluman.
"Pakiusap, mahabaging Emre bigyan nyo ng pangalawang pagkakataon ang akin anak" bulong niya sa sarili.Maya-maya pa ay nawala ang nakakabulag na liwanag mula sa buwan at ihiniga ng bataluman ang sanggol sa kama. Walang nagbago sa sanggol, hindi parin ito gumagalaw at tila'y wala paring buhay.
Lira: mawalang galang na po batalumang Haliya, parang wala naman pong nangyari kay Adamus"
"Wag kang lapastangan sanggre" bigkas ng bataluman sabay titig kay Lira
"Sorry naman po, peace peace" takot na sabi ni Lira.
Bumaling muli ang bataluman kay Alena " ang iyong anak ay walang hinaharap Hara, ngayong gabi ay natapos ang kanyang tadhana subalit binigyan ko sya ng pangalawang buhay, buhay na kanyang hiniram mula sa buwan at buhay na kanyang gugugulin upang alamin ang kanyang saysay sa Encantadia" bigkas ng Batalumang Haliya bago ito agad naglaho sa liwanag ng buwan.
"Ungaaaaaahh!!!, ungaaahhhhh!" Iyak ng sanggol na si Adamus.
YOU ARE READING
E Corrie Dio
FantasiaI just want to write what's bogging my head because I can't wait for the next sequel of Encantadia . . . This wouldn't be a full story but just an OVA or something like what if story. This story will took after the season 2 of Encantadia. Hope you...