Poltre

45 1 2
                                    

"Poltre ashti Subalit kailangan na naming umalis, nais ko pa sanang magtagal subalit may dadaluhan kaming piging" wika ni Adamus sa kanyang ashti Marta

" sige magkita nalamang tayong muli sa ibang araw Adamus nawa'y maging maligaya ang gabing ito para sa inyo " sagot ni Marta

" hindi ho ba kayo dadalo sa pagdiriwang ?" Pagtatanong ni Iron

" nako ang tribong Gunikar ay hindi mahilig sa ma kasiyahan at pagdiriwang, mas nais namin ang tahimik na paligid tulad dito sa loob ng Kuweba" masayang tugon ni Marta

" paalam ashti" sambit ni Adamus bago naglaho

-----------

(Sa Lireo)
Puno ng mga ilaw ang bawat pasilyo at nagsisipag datingan na din ang mga kinatawan mula sa iba't ibang panig ng Encantadia.

"Kahit kailan talaga ay hindi ako nalimutan ni Adamus, talagang binisita pa niya ako sa aking kwarto para lamang dalhan ng isang pabango."
inamoy ni Dianne ang pabango at labis ang kanyang tuwa sapagkat talagang napakahalimuyak ng amoy nito.

Subalit ganon na lang din ang pagtataka nya kung bakit si Adamus pa ang ng abot nito sa kanya ng personal kung maaari namang ipaabot nalamang niya ito sa kanyang dama.

Maya maya pa ay pumasok si Danaya sa kanyang silid
" handa na ba ang aking anak?" Pagbungad nito

" oo, ina " nakangiting sabi ni Dianne

"Kung gayon ay tanggapin mo ang engkantasyon na ito" ngumiti lamang ang sanggre Danaya at nilabas ang brilyante ng lupa " brilyante ng lupa, ngayong gabi hinihiling ko na bigyan mo sya ng matapang na anyo sa mata ng mga kalalakihan, anyo na sa tuwing susulyapan sya ng mga kalalakihan ay mahihiya silang lapitan dahil sa sobrang ganda nya " nakangising sinabi ni Danaya ang engkantasyon

Nagulat si Dianne sa Sinabi ng kanyang ina sapagkat alam niyang ayaw nitong maaga syang maligawan ng mga kalalakihan

"Inaaaaa!!!" Pagmamaktol ni Dianne
" bata ka pa diwani, pinoprotektahan lamang kita " matapang na sagot ni Danaya

"Kahit walang engkantasyon ina, alam mo namang wala talagang nagbabalak lumapit na lalaki sa akin" inis na sagot ni Dianne

" anak wag mong sabihin yan, maganda ka, alam mo yan " pag aalo ni Danaya sa pag aakala na iyon ang nais iparating ni Dianne

" alam ko ina subalit sa tuwing nalalaman nila na anak ako ng Mashna Akil ay bumabahag na agad ang kanilang mga buntot" nakapamewang na sagot ni Dianne

" ahahaahha " natawa nalamang si Danaya " osya magkita nalamang tayo sa bulwagan mahal ko, naroon na ang iyong ama " sabi nito at agad ng lumisan ng silid.

(Sa bulwagan pasilyo ng Palasyo)

Nakatayo lamang sa isang sulok si Iro, pinakikiramdaman niya ang pagdating ni Adamus dahil sinabi nito na maauna na siya sa bulwagan.

Sobrang gulo at ingay ng paligid sa kanyang pakiramdam, hindi niya mahanap ang presensya ng kanyang Ginoo.

Konting sandali pa ay may naamoy siyang pamilyar na halimuyak.

Nagmumula ito sa isang tao na nakatayo sa di kalayuan, hindi man niya nakikita ang wangis nito ay sigurado siyang ito si Adamus sapagkat ang suot nitong pabango ay ang paborito nitong halimuyak.

Tumayo siya malapit sa kanyang amo subalit hindi sya nagsalita dahil inaantay niyang purihin siya nito sa kanyang kasuotan.

Subalit hindi ito umimik bagkus ay lumipat ito ng pwesto kaya naman ay sinundan nya lamang ito. Walang kumikibo sa dalawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

E Corrie DioWhere stories live. Discover now