Minulat ni Adamus ang kanyang mga mata
"Anong lugar ito? Nasaan ako?" Tanong ng nagtatakang bata sa sarili sapagkat nasa isang lugar sya na hindi pa niya kailan man nakita sa Lireo.Madilim ang paligid subalit ang buong ligid ay puno ng mga ani mo'ynagkikislapang dyamante. Namamanga man siya ay puno parin sya ng pagtataka.
"Adamus" sabi ng isang boses mula sa kanyang likod
Paglingon niya ay nakita nya ang isang magandang diwata na sa sobrang ganda ay hindi sya makagalaw sa kanyang kinatatayuan subalit pinilit nyang magtanong."Nasaan po ako? At sino po kayo diwata magandang diwat? Nahihiya niyang tanong
"Napakabuti mo ngang diwata Adamus" sabay haplos nito sa kanyang ulo
Umupo ito upang makaharap si Adamus"Ako si Sillay " bigkas nito "subalit sa ngayon ako ay ikaw " sabi ng magandang diwata
---------
"Ginoong Adamus gising !!!" Sabi ng kanyang dama at nagising si Adamus mula sa isang panaginip na paulit ulit nagaganap.
Bumangon sya at sinipat ang paligid. Napansin niyang bumaba na nga ng bahagya ang sikat ng araw " Iron maraming salamat sa pag-gising sa akin, halina't samahan mo ako patungong Adamya "
Tumayo na agad si Adamus dahil napahaba ang kanyang pagkakaidlip at may kailangan pa syang gawing paghahanda dahil magkakaroon ng pagdiriwang mamayang gabi sa Lireo.
Bago lumisan ng silid ay dinampot muna ni Adamus ang kanyang Pabango at nagwisik nito sa sarili, mahilig si Adamus sa mga pabango at isa ito sa nais niyang natatanggap tuwing kanyang kaarawan.
----------
Nasa bukana na ng Lireo si Adamus ng makasalubong niya ang Hara Alena
"Anak! Saan ka patungo?" Pagtatanong nito
"Patungo kami ng Adamya ina" tipid niyang sagot
" subalit mayroon tayong pagtitipon mamaya upang ipagdiwang ang kapayapaan dito sa Encantadia " paglilinaw ni Alena
" syang batid ko ina, kaya nga't tutungo kami sa Kay ashti Marta upang kunin ang aking isusuot mamayang gabi " paliwanag ni Adamus na nagpapahiwatig ng pagmamadali
" subalit naipag handa na kita ng maisusu. . . " hindi pa man tapos si Alena ay pinutol na sya ng anak
" paumanhin ina kailangan naming magmadali upang umabot sa tamang oras " at humalik ito sa Hara at naglaho gamit ang evictus
------
(Sa kakahuyan ng Adamaya)"Malapit na tayo sa Kweba ng tribong Gunikar Ginoo" sabi ni Iron
" syang tunay!, subalit paano mo nalamang gayong wala kang mga paningin " sabi ni Adamus sa kanyang dama na sa madaling salita ay isang bulag
" sapgkat naaamoy ko na ang masangsang na amoy ng mga insektong criptos na naninirahan sa haligi ng kweba ng mga Gunikar" paliwanag ng Dama
" ahhhhhh nakakamangha kang tunay Iron" sagot niya at tumahimik na muli ang dalawa
"Ginoo...." tawag muli ng Iron na parang hindi mapakali at may gustong sabihin
" ano yun Iron, ...." pag aalo ni Adamus
" anong ..... ahhhh... wangis ng sanggre Dianne ?" Tanong ng bulag na diwata
Nagulat man si Adamus ay napangiti sya sa sinabi ng kanyang Tagasunod
"Bakit hindi mo alamin mula sa kanya?" Sagot niya at saka nagpatuloy sa paglalakad
Sa di kalayuan ay natanaw na nila ang bukana ng kuweba at ang isang pigura ng nilalang sa harap nito. Habang lumalapit ay unti unting nakikilala ni Adamus ang nilalang at walang iba kundi ang Kanyang Ashti Marta, ang nakababatang kapatid ng kanyang yumaong Ama.
YOU ARE READING
E Corrie Dio
FantasyI just want to write what's bogging my head because I can't wait for the next sequel of Encantadia . . . This wouldn't be a full story but just an OVA or something like what if story. This story will took after the season 2 of Encantadia. Hope you...